Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2026-06-21
Words:
11,992
Chapters:
1/1
Comments:
15
Kudos:
35
Bookmarks:
3
Hits:
485

Mahal Magmahal

Summary:

Lahat ay politikal—ang sukli sa pamasahe, ang trabahong kulang sa pasahod, ang pagkaing nakahain sa mesa, at ang pagmamahal.

Pati pagmamahal?

Oo, dahil ang pagmamahal ay rebolusyonaryo.
Oo, dahil ang pagmamahal ay may panukatan.
Oo, dahil ang pagmamahal ay pakikibaka.

At dahil politikal ang magmahal, mahirap at mahal ang magmahal.

 

Or ang fic kung saan pinapanood ni Baekhyun kung gaano kahanda si Chanyeol na isakripisyo ang lahat para sa pagmamahal.

Notes:

Hi, this is inspired by Esremborak’s “Mahal Magmahal” so please expect na angst ‘to.

May ilang beses nga na gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko sa mga sinulat ko dito. I understand if some of you will skip this fic (over sa some of you, eh di ko nga alam kung may magbabasa nito) dahil sa draught na nararanasan natin ngayon sa chanbaek, hindi na para mas malungkot pa! Pero sana may magbasa pa rin HAHAH.

Pero ayon, this is supposed to be a fic last 614 kaso nag overtime ako ng sunod-sunod na araw sa trabaho at hindi ako nakaharap nang ayos sa laptop ko.

I had to write this down when I was taking a break sa work while listening to Mahal Magmahal tapos naisip ko lang ang chanbaek (ano nga namang bago? Sa kanila pa rin ako uuwi)

Ang daldal nanaman niya!

Okay, tama na, basta, politikal ang magmahal.

And enjoy(?) reading <33

Playlist: https://open.spotify.com/playlist/4o5CZLJAAN2E4tODDFTHTO?si=a0d78e206030444a

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Hindi naman nakakaputangina ang pagiging Pilipino. 



Eh ano?



Ang korapsyon. Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang hindi pantay na karapatan ng Pilipinong mamamayan.



Hindi naman nakakaputangina ang pagiging Pilipino. 



Eh ano?



Ang sistema ng Pilipinas.



Nakakaputangina ang mamuhay sa Pilipinas kung saan gobyerno mismo ang humihila pababa sa mga taong nasasakupan nila, kung saan ang mga nasa laylayan ang lalong naghihirap at ang mga nasa itaas ang mas lalong umaangat.



Lahat ay politikal—ang sukli sa pamasahe, ang trabahong kulang sa pasahod, ang pagkaing nakahain sa mesa, at ang pagmamahal.



Pati pagmamahal?



Oo, dahil ang pagmamahal ay rebolusyonaryo.

Oo, dahil ang pagmamahal ay may panukatan.

Oo, dahil ang pagmamahal ay pakikibaka.



At dahil politikal ang magmahal, mahirap at mahal ang magmahal. 





Malapit na ang kinsenas, ibig sabihin ay malapit na rin ang pasahod at ibig sabihin din nito ay saglit lamang dadampi sa mga palad ni Chanyeol ang pera dahil mapupunta nanaman ito sa mga bayarin niyang parang hindi na matapos-tapos.



Ang tunog mula sa pagbubukas ng pakete ng repak ng pinaghalo-halong gulay ay maririnig sa munting kusina ng tinutuluyan ni Chanyeol.



“One thousand two hundred para sa kuryente.” Chanyeol says nakaharap sa nilulutong ulam nila ngayong gabi.



Baekhyun holds a pen in his hand habang inililista ang mga bayarin sa nakalatag na notebook nilang naglalaman ng listahan ng gastusin katabi ng mga resibo at papeles na tinatrabaho ni Chanyeol. 



“Four hundred para sa tubig.” Chanyeol continues habang sinasangkutsa ang anim na piraso ng tirang karne mula sa ulam nila nung nakaraan.



“Six thousand para sa groceries.” Chanyeol goes on habang tahimik na nagsusulat si Baekhyun at nag iisip kung may nakaligtaan pa ba ang nobyo.



“Gasul?” Pagpapaalala ni Baekhyun dahil narinig niya ang usapan nila ng Mama ni Chanyeol sa telepono noong isang araw.



“Oo nga pala, paubos na ang gasul sa bahay.” Chanyeol adds the vegetables in the pan habang nakahawak sa bewang ang isang kamay. “Dagdag mo nga, Bal. Lagay mo one two fifty.”



Sinunod ito ni Baekhyun at hindi pa siya natatapos magsulat ay may pahabol nanaman si Chanyeol. “Ang renta pa pala, Bal. Four five.” 



“Ang pamasahe mo?” Baekhyun remembers, holding the pen mid-air para paikutin ito sa kanyang mga daliri.



“Seven fifty.” Mabilis na sagot ni Chanyeol na parang nakwenta niya na ito agad bago pa magsimula ang buwan.



“At saan ka naman dadalhin ng seven fifty, eh sa katapusan pa uli ang sahod mo?” Tanong ni Baekhyun habang nakakunot ang noo.



“Kaya ko naman lakarin ‘yung iba eh.” Mahinang sagot ni Chanyeol at napabuntong hininga na lang si Baekhyun dahil alam niya kung gaano kalayo ang bahay nito papunta sa trabaho.



Nanatili muna siyang tahimik, pinag-iisipan kung itutuloy ba ang mga katagang ilang beses niya na inalok at ilang beses na ring tinanggihan ni Chanyeol.



“At alam mo namang kaya kitang tulungan, Bal.” Sabi ni Baekhyun ng marahan. “May extra pa ko, kahit sa pamasahe mo lang, hayaan mong tulungan kita.”



“Bal, ilang beses ba nating pag-uusapan ‘to? Sinabi ko naman sa’yo na hindi mo ko responsibilidad.” Sagot ni Chanyeol.



Hindi na lamang nagsalita si Baekhyun, pinagmasdan niya ang nobyo kung paano isinasalansan ang kanin at ulam sa platong ilang memorya na ang pinagdaanan. 



Palaging ganito, tuwing magaalok ng tulong si Baekhyun ay tinatanggihan siya ni Chanyeol dahil kahit naman alam ni Baekhyun na wala lang ito para sa kanya ay alam niya rin naman na hindi niya sagutin ang pamilya ni Chanyeol.



Pero mahal niya ang nobyo at nahihirapan siya na nakikitang nahihirapan ito.



Nilapag ni Chanyeol ang plato sa mesa kung nasaan nakaupo si Baekhyun. “Ito.” Matapos niyang ipatong ang plato ay kinuha niya ang dalawang kamay ni Baekhyun at pinisil-pisil ito. “Itong nandito ka ang kailangan ko.” Nilapit niya ang mukha sa noo ng nobyo para hagkan ito.



Napabuntong hininga na lang siya habang dahang-dahang napipintahan ng ngiti ang kanyang mukha. Gustong-gusto niya na ipinaparamdam sa kanya ni Chanyeol ang maliliit na bagay para mapakitang ang simpleng presensya niya ay sapat na.



Pero ano namang silbi ng presensya niyang sapat kung ang bulsa naman ng kanyang iniibig ay salat?



Lumakad muli papalayo ang nobyo para kumuha ng panulak at yelo na kailangan pang iumpog sa pader para mapagkasya nila sa baso na dati ay garapon ng Nescafe.



“Tapos,” Chanyeol says dragging the word a little longer dahil nagiisip siya kung ano pa ba ang mga bayarin “Allowance pa pala ni Ate para raw sa interview, five hundred.”



Baekhyun writes it down at hiniling niyang sana ay panghuling ililista niya na ito dahil wala nanamang matitira sa sweldo ni Chanyeol. Gipit nanaman sa buwan na ‘to.



“Bal?” Baekhyun calls him habang inilalagay ang yelong pira-piraso sa baso. “Saan mo ginamit ‘tong kandila?”



“Nung naputulan ng kuryente.” Nakatalikod pa rin si Chanyeol pero dahil iisa lang naman ang kandila na binili niya nung nakaraan ay alam niya na ang tinutukoy nito.



“Oh, ba’t mo nilalagay sa lamesa?” Naglakad pabalik si Chanyeol sa lamesa, dala-dala ang dalawang baso na may yelo at isang bote ng RC Cola.



“Para romantic.” Baekhyun simply says, smiling. Tumalikod siya at may kinuha sa may pasimano, ipinagpagpag niya ito bago ilagay sa gitna ng lamesa kung nasaan din ang kandilang nakalagay sa lata.



“Romantic? Eh parang puntod tayo niyan.” Chanyeol replies, at natawa na lang sila pareho. “At may pabulaklak pa talaga.” Dagdag nito dahil ‘yon ang pinapagpag ni Baekhyun.



“Ayos nga ‘tong bulaklak mo, Bal, hindi nalalanta.” Sagot ni Baekhyun habang inaayos ang artificial flower na galing pa ata sa panahon ni Kopong Kopong.



“Pikit ka, Bal.” Utos ni Chanyeol.



Nakarinig ng kaluskos si Baekhyun habang nakapikit ang mga mata at nang sabihin ni Chanyeol na pwede na siyang mumulat ay nakita niyang may hawak itong Lemon Square cheese cake na may kandilang maliit sa gitna.



“Happy Anniversary, Bal!” Bati ni Chanyeol at nilapag ang cupcake sa lamesa sa pagitan ng kandila at bulaklak. Kinuha niya ang kamay ni Baekhyun at hinagkan ito ng mariin habang nakatingin sa kanya. 



“Pasensya na at hindi ko nabili ‘yung cake na gusto mo.” Dagdag nito dahil kahit gaano niya pa tipirin ang sarili ay hindi talaga kaya ngayong buwan.



Habang si Chanyeol ay nahihiyang ito lamang ang kanyang dala sa lamesa, si Baekhyun naman ay abot tenga na ang ngiti. “Ano ka ba, okay lang ‘yon. Favorite ko kaya ‘to!” Baekhyun says, looking at the cupcake with glistening eyes.



“At tsaka, ang sarap kaya ng luto mo!” He adds, now looking at the pinakbet na mainit-init na nakahain sa kanilang mesa.



“Saan ka naman nakakita ng anniversary tapos ang handa ay pinakbet?” Chanyeol asks, laughing sadly to himself. “Tapos kulang pa ng kalabasa kasi wala na kong budget.” He adds at napakamot na lang talaga siya ng ulo.



They both settle in their seats at sumandok na si Baekhyun ng kanin at ulam sa kanyang hawak na kubyertos. “Huy, ang sarap kaya! Ayoko nga kumain pag ito luto ni mama.” 



“Pero pag ikaw? Baka makadalawang bulos pa ko ng kanin.” Sabi nito at sumubo ng pagkain.



“Sus!” Sagot ni Chanyeol habang sumusubo na rin dahil hindi siya kumain ng agahan at tanghalian para mabili ang gulay na sahog sa ulam nila ngayon. “Baka mamaya mawalan na ng talab ang gayuma, iwan mo na ako.”



Baekhyun laughs habang ngumunguya. “Ewan ko sa’yo, Chanyeol.” Lumunok siya bago ipagpatuloy ang sasabihin. “At kahit naman alam kong gagayumahin mo ako, papayag pa rin ako.”



Ngumiti si Chanyeol at halatang kinikilig kahit na alam naman nilang dalawang walang gayumang kasali sa pagmamahalan nila. “Ayun! Mukhang magdadagdag ata ako ng bayad kay Ate sa Quiapo kasi mukhang effective yung pinainom ko sa’yo.”



“Sira ka talaga.” Sambit ng nobyo at kumain sila nang payapa at may mga ngiti sa mukha.



Nang makita ni Chanyeol na paubos na ang pagkain sa plato ni Baekhyun ay kinuha niya muli ang cupcake sa mesa at iniangat to katapat ng mukha ni Baekhyun. 



“Nabusog ka?” Tanong nito, dahil ‘yon naman talaga ang ninanais niya. Ang malamnan ang sikmura ni Baekhyun kahit na ilang beses niyang isinasantabi ang pagkulo ng sariling tiyan sa mga nakaraang araw.



Baekhyun nods eagerly dahil totoo nga, nakadalawang bulos siya ng kanin “Thank you, Bal.”



“Wish tayo.” Pag-aaya ni Chanyeol at hinawakan ni Baekhyun ang mga kamay ng nobyo na nakapulupot sa tinapay. Sabay nilang sinarhan ang mga mata at sinambit nang tahimik ang mga hiling na aanurin sa pagitan ng mga pag-asa’t pangarap para sa isa’t-isa.



“Happy Anniversary, Bal ko.” Binuksan ni Baekhyun ang kanyang mga mata at sabay nilang hinipan ang kandila. Tinanggal ni Baekhyun ang kandila para kumagat sa cupcake at pagkatapos ay sinubuan niya naman si Chanyeol.



Matapos nilang maubos ang maliit na panghimagas ay nagsalita muli si Chanyeol. “Maaari ka bang yayain magsayaw, mahal na prinsipe?” Dramatikong tanong nito dahil tumayo pa talaga siya at may ginawang paikot na kilos sa kamay na parang inaanyayahan niya talaga ang isang prinsipeng makipagsayaw sa kanya.



Tinanggap ni Baekhyun ang kamay ng nobyo na may ngiti sa labi at sabay silang pumunta sa gitna ng sala. Kinuha ni Chanyeol ang telepono para pindutin ang kanilang paboritong kanta—ang kantang ginamit ni Chanyeol para haranahin si Baekhyun sa tapat ng bahay nila noong kolehiyo pa sila.



Itanong mo sa’kin

Kung sino’ng aking mahal

Itanong mo sa’kin

Sagot ko’y di magtatagal



Inilagay ni Chanyeol ang kaliwang kamay sa bewang ni Baekhyun at ang isang kamay niya naman ay hawak-hawak ang kamay ng nobyo. Sinasabayan ni Chanyeol ang lyrics ng kanta habang nakatingala sa kanya si Baekhyun para panoorin at pakinggan ito. Ang kanilang mga paa ay parang may sariling buhay na dahan-dahang sumasabay sa musika. 



Ikaw lang ang aking mahal

Ang pag-ibig mo'y aking kailangan

Pag-ibig na walang hangganan

Ang aking tunay na nararamdaman 



Nanatiling tahimik si Baekhyun habang dinadamdam ang bawat himig na inaawit ni Chanyeol. Nilapit niya ang kanyang katawan para walang matirang espasyo na namamagitan sa kanila at ipinatong niya ang ulo sa dibdib ni Chanyeol. Sinasabayan na rin ng paghuhuni ni Baekhyun ang pagkanta ng nobyo habang mas humihigpit ang kapit sa kamay nito.



Ang nais ko sana'y inyong malaman (nais ko sana)

Sa hilaga o sa timog o kanluran (sa silangan)

At kahit sa'n pa man

Ang aking isisigaw

Ikaw ang aking mahal



Nang tumingala si Baekhyun ay sinenyasan siya ni Chanyeol na iiikot siya nito at pagka-ikot niya nga ay nagsalita ito. “Next year, babawi ako.” Biglang sambit nito matapos tumigil sa pagkanta. 



“Mas magiipon ako. Makakabili na ako ng cake, makakapag celebrate tayo sa restaurant na gusto mo.” Hinayaan ni Baekhyun na magsalita ito habang tumutugtog ang kantang nakapag pasagot sa kanya ng matamis na “Oo”.



Ang nais ko sana'y inyong malaman (nais ko sana)

Sa hilaga o sa timog o kanluran (sa silangan)

At kahit sa'n pa man

Ang laging isisigaw

Ikaw ang aking mahal



“Bal…” Mahinang tawag nito habang nakatingin sa mga mata ng nobyo. “Kahit ito lang, masaya na ko.” Ngumiti si Baekhyun habang hinahayaan ang sariling malunod sa mga matang siya lang ang hinahanap-hanap. 



“Kahit pinakbet lang?” Tanong ni Chanyeol habang malungkot na nakangiti dahil alam niya sa sarili niyang kulang ito pero anong magagawa niya kung ang sahod ay di talaga sapat.



“Kahit pinakbet na walang kalabasa at cupcake lang.” Sagot naman ni Baekhyun.



“Sa tag-araw at sa tag-ulan?” Tanong muli ni Chanyeol. At siguro nga’y mas madalas pa nila bigkasin ang mga salitang ito kaysa sa ‘mahal kita’ dahil parang ito na rin ang katumbas noon para sa kanila.



“Sa tag-araw at sa tag-ulan.” Siguradong sagot ni Baekhyun dahil kahit anong unos pa ng panahon ‘yan, at kahit mag nyebe pa man, sila at sila pa rin ang pipiliin ng bawat isa.



Ikaw ang aking mahal

Ikaw ang aking mahal



Kuntento. Masaya. At mahal nila ang isa’t isa. 



Ang simpleng pagsasalo sa hapag ay hindi alintana para sa mga pusong ang nais lamang ay ang magsama. Pero hindi naman mababayaran ng pagmamahal ang kuryente, tubig, at isang kilong bigas.







Ordinaryong araw lang naman ang pagkain ng simpleng tusok-tusok dahil hindi naman na ito mawawala sa kalsada kung saan naghihintay ang mga tindero sa mga bibili na empleyado galing sa trabaho, mga estudyante na kakalabas lamang sa eskwelahan, o kaya naman ay ‘yung mga napadaan lang.



Pero para kanila Baekhyun at Chanyeol ay sapat na ito para makasama pa ng mas matagal ang isa’t-isa at kahit na napapadalas ang ganito nilang labas matapos ang trabaho ay palagi pa rin nitong napipintahan ng ngiti ang mga labi ni Baekhyun.



“Naiinggit ka no?” Tanong ni Chanyeol habang sinisiko ang nobyo sa tagiliran. 



“Huh?” Tanong naman pabalik ni Baekhyun at mabilis na tinanggal ang pagkakatingin sa magkasintahan sa kabilang parte ng kalsada kung saan may dala-dalang bulaklak at teddy bear ang babae na galing sa nobyo nito.



“Pinapanood mo sila.” Sambit ni Chanyeol habang inaabot nito ang plastic cup na may lamang fishball at kikiam kay Baekhyun.



“Bal…” Malambing na tawag ni Baekhyun at sumubo ng isang pirasong kikiam. “Naiintindihan ko naman eh. Hindi pa kaya ng budget.” Pagpapaliwanag nito habang kumukuha ng sauce para dagdagan ang nasa baso.



“At okay lang ‘yon sa akin. Hindi ako naiinggit kasi alam kong meron akong ikaw.” Baekhyun says na punong-puno ng pag-asang dadating din ang oras para sa kanila. 



Naglakad-lakad sila habang kinakain ang tusok-tusok na binili ni Chanyeol at nang makahanap sila ng upuan ay umupo sila.



“Bal, maiintindihan ko naman.” Biglang sambit ni Chanyeol.



“Ang alin?” Tanong ni Baekhyun, hindi alam kung ano bang pinupunto ng kasintahan.



Tumingin si Chanyeol sa katabi. “Kapag hindi na talaga kaya.” He pauses, taking a moment para pagmasdan ang kanyang paraluman. “Maiintindihan ko kapag iniwan mo ako.” 



Ibinaba ni Baekhyun ang plastic cup sa tabi niya at tinignan ang nobyo. “Bal..” tawag nito nang malumanay habang inilalagay ang isang kamay sa pisngi ni Chanyeol. 



“‘Wag ka nga magsalita ng ganyan.” dagdag niya habang hinihimas ang pisngi ni Chanyeol gamit ang hintuturo.



Nginitian naman siya nito at inakbayan para mas lalong lumapit si Bakehyun sa kanya. “Isipin mo, balang araw magkakaroon tayo ng sariling pamilya at ayokong maranasan nila ‘to.” Bumuntong hininga siya at tumingin nang malayo sa kalsada kung saan ilang jeep na ang dumadaan.



“Ayokong maranasan nila ang pagtitipid sa mundong pilit na kinukuhanan sila ng pag-asa.” Pagpapatuloy ni Chanyeol habang si Baekhyun naman ay nilalabanan ang mga luhang nagbabantang tumulo sa kanyang mga mata.  



Isinandal ni Baekhyun ang ulo sa balikat ng kasintahan habang ang kanilang mga kamay ay magkakahawak, nakapatong sa pagitan ng binti nilang magkatabi.



Tama naman. Paano ka nga naman magmamahal sa ekonomiyang pag nagkasakit ka ng dalawang araw ay makakaltasan pa ang kakarampot mong sahod dahil sa ‘no work, no pay’ policy.



Tama naman. Paano ka nga naman magmamahal sa ekonomiyang parang ipinagdadamot sa’yo ang bawat sentimong pinaghirapan mo.



Tama naman. Paano ka nga naman magmamahal sa ekonomiyang kailangan mong timbangin ang kapasidad ng iyong puso at kapasidad ng iyong sweldo.



“Hindi ko kaya na ganoon lang ang maibibigay kong buhay sa’yo at sa magiging anak natin.” Dagdag pa ni Chanyeol.



“Kaya kakayanin ko kung iiwan mo ako.” Bumaba ang kamay niya mula sa pagkaka-akbay sa balikat ng kasintahan para hinimas-himasin ang braso ni Baekhyun. 



“Pero sana huwag.” Dugtong niya.



At hindi na napigilan mag-unahan ng mga luha na kanina pa gusto kumawala sa mga mata ni Baekhyun.



“Sana tayo hanggang dulo. Sana hindi ka bumitaw. Sana kasama pa rin kita sa tag-araw at tag-ulan.” 



Napuno ng katahimikan ang kanilang paligid, at unti unti na ring nababasa ang damit na suot ni Chanyeol dahil sa mga luhang pumapatak mula sa mata ni Baekhyun.



Hinagkan ni Chanyeol ang ulo ng kasintahan at iniharap sa mukha niya ang mukha ni Baekhyun para punasan ang mga luha nito.



“Mahal na mahal kita, Bal.” Sambit nito habang pinagmamasdan ang dahilan niya kung bakit siya kumakapit sa araw-araw.






Madalas ay si Baekhyun ang dumadalaw sa tinutuluyan ni Chanyeol dahil nadadaanan niya ito kapag uuwi siya mula sa trabaho. Minsan ay sinisilip niya ang nobyo para lang yakapin ito matapos ang pagkahaba-habang araw, parang maliit na paraan para ipaalala kay Chanyeol na siya ang uuwian nito.



Ngayon ay nakaplanong matutulog at magsisiksikan sila sa kama ni Chanyeol. May mga natira pang trabaho si Baekhyun at napagkasunduan nila na dito na lang niya tatapusin ang gawain sa bahay ni Chanyeol.



“Bal, tulungan na kita.” Alok ni Baekhyun habang sinasara ang laptop dahil tapos na siya sa trabaho niya “Natapos ko na yung pinapasubmit sa’kin ng manager.”



“‘Wag na, Bal.” Tipid na sagot nito dahil nag double shift siya ngayong araw at parang naubos na lahat ng enerhiya niya. 



Nakabasag siya ng isang bote ng alak, nanginginig ang mga kamay dahil sa gutom. Hindi naman siya sinigawan, pero ramdam niya ang bigat sa bulsa nang sabihin ng bisor niya na ikakaltas na lang ito sa sweldo niya. 



“Paano ba ‘tong ginagawa mo?” He asks, ignoring how Chanyeol turns down his offer dahil kitang-kita na sa mga mata ng nobyo kung gaano ito kapagod at gusto niya lang naman siyang tulungan.



Nakalatag sa mesa ang dalawang baso ng kape at dalawang cup noodles na galing sa ayuda noong nakaraan katabi ng mga patong-patong na papel, resibo, at calculator na kanina pa pinipindot-pindot ni Chanyeol.



“Magpahinga ka na lang, Bal. Galing ka ring trabaho.” Sagot ni Chanyeol pero tumayo si Baekhyun para dungawin ang isinusulat ng nobyo na inventory sa karinderyang pinagtatrabahuhan niya tuwing katapusan ng linggo. 



“Turuan mo ako, mabilis naman ako matu—“ biglang napatigil si Baekhyun sa pagsasalita dahil unti-unting kumakalat ang likido ng kapeng nasanggi niya dahil sa pagpupumilit na tulungan ang nobyo.



Iniangat ni Chanyeol nang mabilis ang mga kaya niyang isalbang mga papel habang si Baekhyun naman ay agad na itinayo ang basong nasanggi. Nakita niya kung paano nabasa ang mga resibo, kung paano kumalat ang tinta sa papel, at kung paano humawak sa sintido ang kasintahan niya.



“Ano ba yan!? Ang kulit mo naman kasi, Baekhyun.” Panenermon nito at natahimik na lang si Baekhyun habang pinagsisisihan ang pagpupumilit. Inilapag ni Chanyeol ang mga gamit na hindi nabasa sa itaas ng ref habang si Baekhyun naman ay kumuha ng pamunas.



“I-I’m sorry, Bal. Hindi ko sinasadya, aayusin ko.” Nauutal na sabi ni Baekhyun, nanginginig ang mga labi at nagpipigil umiyak dahil imbis na makatulong ay lalo niya lang nadagdagan ang gawain ni Chanyeol.



“Akin na nga ‘yan.” Agad na kinuha ni Chanyeol ang pamunas mula sa kamay ni Baekhyun. “Sinabi ko naman na magpahinga ka na lang.” 



“Hindi ka nakikinig.” Dagdag pa nito habang nagpupunas ng lamesa.



Halos tatlong oras inisa-isa ni Chanyeol ang mga resibo para ikumpara ito sa kita ng karinderya, tinitignan kung kumikita pa ba ang pinagtatrabahuhan niya. Ultimo mga resibo sa gobyerno at dokumento sa BIR ay siya rin ang nagaasikaso. Hindi naman talaga ito kasama sa inapplyan niya pero dahil matanda na ang may ari at siya rin ang pinagkaktiwalaan nito ay tinanggap niya lalo na at may dagdag bayad. 



Sayang, kita rin ‘yon! 



At isa pa, linggo ngayon at bukas ay maaga nanaman siya sa trabaho, hindi niya nanaman alam paano pagkakasyahin ang natitirang oras para dito.



“Hindi ko kailangan ng tulong mo.” Sambit nito habang pinapanood lang siya ni Baekhyun at parang walang ibang narinig si Baekhyun kung ‘di ang mga salitang ‘yon na paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang tenga.



Tumalikod si Baekhyun mula sa lamesa, mula sa nobyo at lumakad papunta sa upuan para humiga at para na rin hindi makita ni Chanyeol kung paano siya umiiyak. Tahimik siyang humihikbi at tahimik na pinupunasan ang sariling mga luha, nagsisisi dahil dumagdag pa siya sa gawain ng kasintahan.



Wala na muli siyang narinig mula pa kay Chanyeol kung ‘di ang kaluskos ng mga papel at ang tunog mula sa pagpindot nito sa calculator. 



Ipinagpatuloy ni Chanyeol ang trabaho nang tahimik at ayaw ni Baekhyun na ganito sila, na parang may malaking pader ang nakaharang sa pagitan nilang dalawa. 



Tumayo siya at inayos ang sarili, kinuha ang mga gamit at inihanda ang sarili para humingi ulit ng tawad sa kasintahan at para na rin magpapaalam para umuwi dahil baka gusto ni Chanyeol ng oras para sa sarili. 



Nang matapos mag sintas si Baekhyun ay isinukbit na niya ang laptop bag sa kanyang balikat nang biglang may maramdaman siyang bisig na ngayon ay nakapulupot sa kanyang katawan.



“Pasensya ka na, Bal.” Sambit ni Chanyeol nang malumanay, hinahagkan ang tenga ng kasintahan habang hinihimas ang tagiliran nito.



Baekhyun lets out a sigh as he turns his body to face Chanyeol. “Ayaw kong sinisigawan mo ko nang ganon.” Ngumuso ito sa nobyo habang nagbabanta nanaman ang mga luha niya na kumawala sa kanyang mga mata. 



“Pero tama naman, kinukulit kita kahit na pinagsabihan mo ko. Sorry, Bal.” He adds at hindi na napigilan ang pag-iyak, niyakap niya pabalik ang kasintahan at tinignan ito sa mga mata.



“Bal, hindi mo kasalanan.” Chanyeol comforts him, his thumb wiping away Baekhyun’s tears. Hinayaan niya lang nakapatong ang mga palad sa pisngi ni Baekhyun habang sinasabi ang mga tumatakbo sa kanyang isip.



“Madami lang talaga akong iniisip ngayon. Sa trabaho at sa pamilya.” Pagpapaliwanag nito. 



“Si Mama, may sakit. Si Ate, hindi pa rin natatanggap sa trabaho. At si Papa?” Chanyeol pauses and sighs heavily. “Ganun pa rin, manginginom pa rin.” Chanyeol adds. 



Hinalikan niya ang noo ni Baekhyun. “Pero ikaw, Bal? Hindi mo pa rin ako sinusukuan.” Dagdag pa niyo habang tinitignan ang sariling repleksyon sa mga mata ng nobyo.



“Kaya sana kapag kaya na, pwede pa.” Hiling ni Chanyeol at ngumiti naman ng bahagya si Baekhyun.



Tumango si Baekhyun at sinabing “Sa tag-araw at sa tag-ulan?” Hinawi ni Chanyeol ang buhok ng kasintahan habang papalapit nang papalapit ang mukha nito.



Dahan-dahang isinara ni Baekhyun ang mga matang pugto mula sa pagkakaiyak para damahin ang matatamis na labi ng kasintahan. Tinanggap niya ang mga halik ni Chanyeol habang mas hinihigpitan pa ang yakap.



Saglit na inihiwalay ni Chanyeol ang mga labi mula kay Baekhyun para sagutin ang tanong nito kanina “Sa tag-araw at sa tag-ulan, Bal.” Ipinapatong naman ni Baekhyun ang dalawang kamay sa taas ng kamay ni Chanyeol na ngayon ay nasa pisngi niya pa rin. 



At parang nabawasan ang pagod nila pareho dahil nanalo nanaman sa gabing ito ang dalawang pusong kuntento. Pero hindi naman palagi nananalo ang puso, wala namang kasiguraduhan na mananalo ka dahil lang nagmahal ka.







Sumpa ang pagmamahal sa pusong pilit na pinipili ang pagiging praktikal.

 


Ang pagsasakripisyo ng pangarap.



Siguro nga’y madalas marinig ng isang bata ang mga katagang “Mangarap ka nang mataas.”, tumutukoy ito sa mga propesyon katulad ng doktor, arkitekto, inhinyero, at marami pang iba. 



Pero paano naman ang mga batang nangarap maging magsasaka, o kaya naman ay mangingisda, o kaya naman ay musikero?



Ibig sabihin ba nito ay hindi mataas ang kanilang mga pangarap? Maaaring ‘Oo’ ang kasagutan ng iba pero hindi naman dapat kasi sa taas nasusukat ang mga pangarap. 



Sa lalim. Nasusukat dapat ito sa lalim. 



“Mangarap ka nang malalim.” Iyan ang madalas na marinig ni Chanyeol sa ina noong bata pa siya. Simula pa lang naman ay malalim na ang pagmamahal niya sa musika. Naging tahanan niya ito sa mga panahong pilit siyang tinataboy ng mundong mapagpanggap, mapang-api, at mapang-alipusta. 



Pinagmamasdan ngayon ni Baekhyun ang kalendaryo na nakasabit malapit sa kusina ni Chanyeol. May pulang bilog na marka ang ika-anim na numero sa buwan ng Mayo, katabi ng bilog ay maliliit na puso na nakapalibot dito at may maliit ding sulat na ang nakalagay ay ‘Bday ni Bal’



Napangiti siya habang tinitignan ang handang nakahain sa munting mesa kung saan ay madalas nilang kinukwenta ang mga gastusin.



May pancit, may anim na pirasong lumpia, at may cake! ‘Yun nga lang ay isang slice lang dahil ni-request ni Baekhyun na ‘wag na bumili ng isang buo ang nobyo dahil hindi naman nila mauubos ito. At dahil na mahal din, pero hindi na ‘yon sinabi ni Baekhyun.



Matapos humiling ni Baekhyun at hipan ang parehong kandilang ginamit nila noong anniversary ay pinapikit siya ni Chanyeol.



Binuksan niya ang mga mata at nakita ang isang maliit na itim na kahon. “Happy birthday, Bal.” Bati muli ng kasintahan habang inilagay sa kamay ni Baekhyun ang kahon.



Binuksan ni Baekhyun ang kahon, nagulat at inilagay ang kamay sa kanyang bibig. Tinignan niya si Chanyeol, tapos ang kahon, tapos nalipat muli kay Chanyeol, at napunta nanaman sa kahon ang mga mata.



Kumikinang at kumikislap ang porselas na nasa kahon. Ilang buwan na rin itong pinagmamasdan ni Baekhyun sa telepono, wala naman siyang balak bilhin dahil hindi naman ito kasama sa kanyang pangangailangan. 



Mas mataas man ang sahod ni Baekhyun kumpara kay Chanyeol, mas pinipili niya pa rin maging praktikal. Pero minsan ay napapaisip siyang masaya rin siguro ang makabili ng bagay para sa sarili. 



At ngayon ay nasa harapan niya na ito, naghihintay para pumulupot sa kanyang kamay.



"Pero paano?" Tanong nito dahil alam niyang mahal ito, hindi naman ganoon kamahal pero may kabigatan sa bulsa at mahal para sa katulad ni Chanyeol.



“Akin na, isusuot ko sa’yo, Bal.” Hindi sumagot si Chanyeol sa tanong ng nobyo habang ikinakabit ang alahas sa kamay ng kasintahan. 



“Bagay sa’yo, Bal. Nagustuhan mo ba?” Inayos niya ito ng panghuling beses, nakangiti at masayang nabilhan niya ng bagay na gusto ang nobyo. 



Tumango si Baekhyun ng marahan, sinusubukang intindihin saan nanggaling ang pinambili ni Chanyeol. “Ang ganda, Bal. Salamat.” Sambit nito at tumayo sa pagkakaupo para kumandong at yapusin ang kasintahan.



Isiniksik niya ang mukha sa leeg ng kasintahan habang hinahawakan naman siya sa bewang nito. “Pero mahal ‘to.” dugtong ni Baekhyun, nag-aalala dahil ano nanaman ba ang sinakripisyo ni Chanyeol para lang mabigyan siya ng gusto niya.



“Bal, minsan lang naman at birthday mo kaya.” Sagot nito, habang hinihigpitan ang pagkakayakap sa nobyong nakapulupot sa katawan niya.



Napaling naman ang mata ni Baekhyun sa isang gilid ng silid at nakita ang bakanteng espasyo na noon ay may nakalagay na gitara. Nasaan na ang gitara? Napatigil siya at biglang inangat ang ulo para tignan si Chanyeol.



"Binenta mo gitara mo?" tanong nito nang may pag aalala dahil alam niya gaano kaimportante ito para kay Chanyeol na ngayon ay nginingitian siya habang tumatango nang dahan-dahan.



Malalim niyang minahal ang musika at minsan na siyang sumugal dito dahil handa niyang ibigay ang lahat para lang makamit ito. Pero paano nga naman niya maibibigay ang lahat kung paulit-ulit na ninanakaw ng kahirapan ang kanyang pangarap.



At dahil malayo pa sa sapat ang pribilehiyo na mayroon siya. Inanod na lang ang pangarap niyang ito sa kaduluhan ng listahan ng mga bagay na kailangan niyang maabot sa buhay.



Pero nang makilala niya noon si Baekhyun ay nagkaroon siya ng dahilan para ipagpatuloy muli ang nasimulan dahil si Baekhyun ang ka-isa-isang taong naniwala sa kanya at sa kanyang kakayahan. 



"Pero paano na 'yon? Akala ko ba magiging musikero ka pa, akala ko tutugtog ka pa sa Cozy Cove kasama ‘yung gitara mong ‘yon?" Baekhyun asks habang nilalatag sa isipan niya ang mga posibilidad ng mga pangarap ni Chanyeol na ilang beses nilang pinaguusapan noon.





“Bal, subukan mo kaya mag upload ng mga kanta mo sa internet.” Sambit ni Baekhyun habang nakahiga at nakapatong ang ulo sa braso ni Chanyeol habang ang isang kamay ay nasa dibdib nito.



“Ang galing mo kaya mag gitara at kumanta. ‘Yang ganyang talent dapat ipinapakita ‘yan sa buong mundo.” Dagdag pa niya habang inaayos ang nakapatong na kumot sa ibabang bahagi ng kanilang mga katawan dahil pareho silang walang saplot.



“Tapos kapag sikat ka na, ako ‘yung kaunahang sisigaw sa harap ng gigs mo.” Pagpapatuloy ni Baekhyun. Si Chanyeol naman ay nakahiga at nakikinig sa kasintahan habang hinihimas-himas ang buhok nito.



“Tingin mo kaya ko mag open mic?” Tanong niya kay Baekhyun. 



“Kayang-kaya!” Agad na sagot ni Baekhyun habang gumuguhit ng samu’t-saring linya at hugis sa dibdib ni Chanyeol.



“Tapos dala-dala mo ‘yung gitara mo at kasama mo magpeperform doon ang Lola Amour, Esremborak, Shirebound, pati Munimuni!” Dagdag pa ni Baekhyun at natawa na lang si Chanyeol dahil ‘yan ang mga musikerong tinitingala niya at ang makasama sila sa iisang entablado ay napakalaking oportunidad.



“Grabe, naniniwala ka talaga na kaya ko ‘yon?” Tanong niya habang natatawa pa rin. 



“Oo naman!” Mabilis na sagot ni Baekhyun.



“Kaso…” Biglang nagbago ang tono ng boses ni Chanyeol, para bang nag-iisip at nalulungkot. 



“Kapag ganoon na ko kasikat, hindi na kita boyfriend.” Pagpapatuloy nito at hinampas siya ng nobyo sa dibdib.



“Ah ganon? Talaga ba, Chanyeol?” Pagtampo nito at umikot sa kabilang gilid ng higaan para tumalikod. 



“Edi ‘di na lang ako pupunta diyan sa tarandadong gig na ‘yan, maputulan ka sana ng string sa gitara mo.” Dagdag pa ni Baekhyun habang naririnig niya ang mga tawa mula sa kasintahan.



“Hala, ang sama ni Bal.” Natatawang sagot ni Chanyeol habang pilit na inilalapit sa kanya ang katawan ng nagtatampong nobyo.



“Pero alam mo kung bakit?” Binulungan niya ang kasintahan habang nakatalikod pa rin ito sa kanya. “Kasi asawa na kita. Pwede na kita pakasalan non, Bal.” Dugtong niya habang ang kanyang bisig ay kinukulong ang maliit na katawan ng nobyo.



Napawi naman ang pagtatampo ni Baekhyun at pinigilan ang ngiti pero wala siyang magawa dahil nangangarap din naman siyang magkaroon ng pamilya balang araw kasama si Chanyeol. 



Pero tsaka na, kapag kaya na.



“Syempre uunahin ko muna ang sumumpa tayo sa harap ng Panginoon bago ako humarap sa mga taong gusto makinig sa pagkanta ko.” Dadag ni Chanyeol at humarap na siya sa kasintahan habang nakikinig sa sinasabi nito.



“Kasi mas importante ka sa’kin, Bal.” Pahabol pa ni Chanyeol at parang hindi nanaman malaman ni Baekhyun kung saang sulok pa ba ng katawan niya isisingit ang nararamdamang saya kapag kasama niya ang kasintahan.





Ang mga salitang yon ay umalingawngaw sa isipan niya dahil ‘yon ang eksaktong salitang sinasabi ngayon ni Chanyeol.



"Mas importante ka sa’kin, Bal." Sagot ni Chanyeol. At gustuhin man maging masaya ni Baekhyun ay hindi niya magawa. 



Kung dati ay abot langit pa ang kanyang mga ngiti kapag naririnig niya ito, ngayon naman ay hindi man lang ito umabot sa kanyang mga mata. 



Dahil ganoon na lamang ba kadali kay Chanyeol na bitawan ang pangarap para sa kanya? Ganoon lang kadali na isugal niya ang musika para mabilhan siya ng gusto niya? Ganoon lang ba kadali itapon ang bagay na matagal na niyang inaasam-asam?



"Kaya kong gumawa ng musika kahit ikaw lang ang makikinig." Sambit ni Chanyeol, siniksik niya muli ang kanyang ulo sa leeg ng nobyo at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya dahil ito ang unang beses.



Unang beses na sumagi sa isipan niya na ang pagmamahal ay may panukatan.



“Ikaw lang ang kailangan ko, Bal.” Dagdag pa ni Chanyeol pero parang may kumukurot sa puso ni Baekhyun dahil hindi ito sumasang-ayon.



Dahil nagsisimula na siyang mag-isip kung hanggang saan ang kayang isuko ng kasintahan para lang sa kanya?





Ang pagsasakripisyo ng kalusugan.



Minsan ay para sa isang bote lang ng energy drink. 

Minsan ay para magdala ng pagkain dahil alam niyang titiisin nanaman nito ang gutom.

Minsan ay para lang panoorin at intayin sa labas ang nobyo habang sinasalansan nito ang mga pinamili ng customer.



Pero ngayon? 



Ngayon ay maaga at nagmamadaling lumabas sa opisina si Baekhyun dahil nakatanggap siya ng mensahe mula sa isa sa mga katrabaho ni Chanyeol sa supermarket na pinagtatrabahuhan nito at sinabing nahimatay ang nobyo.



Nang makarating siya sa trabaho ni Chanyeol ay sinalubong agad siya ni Sehun. “Anong nangyari?” Tanong ni Baekhyun habang sinusundan ang lalaking nasa harap niya.



“Boss, boyfriend ni Chanyeol, susunduin at nahimatay si gago kanina.” Sambit naman ni Sehun sa bagong guard dahil nagaakmang haharangin pa sana ito dahil sa likuran sila dadaan.



Pinatuloy sila ng guard at lumakad sila papunta sa opisina “Ayun, nandilim ang paningin. Biglang bumagsak habang nakuha ng stocks sa storage.” Pagpapaliwanag ni Sehun. “Sabi ko nga sa kanya, ‘wag muna siya pumasok at kakagaling niya lang sa sakit.”



“Sa sakit?” Nagtatakang tanong ni Baekhyun at napakunot na lang ang kanyang noo dahil wala siyang ka-alam-alam na nagkasakit pala ang nobyo.



“Oo. Hindi niya ba nasabi sa’yo? Ilang araw ‘yan nilagnat.” Sagot muli ni Sehun, habang inilalagay ang hintuturo sa biometrics para makapasok sila sa likod ng office. “Naulanan daw kasi siya tapos ayun hanggang sa hindi na raw siya nakaligo kasi pagod na pagod na siya.”



Napatingin si Baekhyun kay Sehun. Napa buntong hininga na lang siya nang maalala niya kung paano siya nag pasundo sa nobyo nung isang linggo kung saan ginabi siya ng uwi at umuulan—hindi siya nagdadala ng payong dahil pabigat lamang daw ito sa bag at wala siyang masakyan, buti na lamang ay may bisikleta si Chanyeol. 



‘Yun nga lang, isa lang ang kapote nito at syempre kay Baekhyun niya ‘yon ipinasuot at sinabi niya pang “Bal, mahirap ang magkasakit, suotin mo ‘to.” Pagpupumilit niya sa kasintahan dahil ayaw pumayag ni Baekhyun na wala man lang siyang suot para hindi maulanan.



Para mapapayag ang nobyo ay sinabi niya na maliligo na lang siya pag-uwi pero tignan mo ngayon? Siya ang nakakuha ng lagnat. Habang tuyo at nakayapos si Baekhyun kay Chanyeol ay umuwi naman itong basang-basa ng ulan.



Pagbukas ng pinto ay inilibot ni Baekhyun ang mga matang kanina pa nag-aalala. “Yeol…” Tawag niya nang malambing sa nobyo nang makitang nakaupo ito sa monoblock habang nakayuko at nakapikit ang mga mata. 



Dahan-dahan namang nagbukas ang mga mata ni Chanyeol “Hi, Bal ko…” at dahan-dahan ding tumaas ang gilid ng kanyang bibig. 



“Anong ‘Hi’? Hinimatay ka na’t lahat.” Pananaway ni Baekhyun dahil ngumuso pa talaga ang kasintahan para humingi ng halik.



Kinuha ni Chanyeol ang dalawang kamay ni Baekhyun para hawakan ito at para hilahin ang katawan ng kasintahan papunta sa kanya, niyakap niya ito sa may bewang habang ipinipikit muli ang mga mata at inaamoy-amoy si Baekhyun.



“Pagod lang, Bal. Itutulog ko lang Sagot naman ni Chanyeol at napabuntong hininga nanaman si Baekhyun dahil alam niyang pipilitin nanaman ni Chanyeol ang katawan para makapagtrabaho kinabukasan.



“Bal naman,” Protesta ni Baekhyun, hinihimas-himas ang buhok ng nakapulupot sa kanyang bewang. “Hindi lang ‘yan simpleng pagod.”



Bago pa makasagot si Chanyeol ay dumating ulit si Sehun para iabot ang mga gamit ni Chanyeol mula sa locker niyang ang password ay 6104. Nagpasalamat si Baekhyun at nagpaalam na rin silang tatlo sa isa’t-isa dahil sa ganitong estado ni Chanyeol ay di niya na kakayanin ang mag double shift pa.



“Mag-ga-grab na tayo. Sagot ko na at ‘wag ka na tumanggi.” Sambit ni Baekhyun, inaalalayan tumayo ang nanghihinang katawan ni Chanyeol. “Kaya mo ba maglakad?” Dugtong niya at tumango naman ito.



Naghintay sila sa labas ng pinagtatrabahuhan ni Chanyeol. Padilim na rin at sabay-sabay na ring nagbubukas ang mga ilaw sa daan. Sakto naman at pagkalabas nila ay dumating na rin agad ang binook na sasakyan ni Baekhyun.



Napuno ng katahimikan ang espasyo sa loob ng sasakyan pero si Chanyeol ay parang batang nakakapit lang buong byahe sa braso ni Baekhyun. At kabisa na 'yan ni Baekhyun, gustong-gusto ni Chanyeol kung paano siya alagaan ng nobyo tuwing may sakit siya kaya naman minsan ay tinatago niya ito dahil alam niya kung gaano pinaglalaanan ng oras ni Baekhyun ang pag-aalaga sa kanya.



Pumasok na sila ng bahay at pinagmasdan ni Baekhyun ang nobyo kung paano nito tanggalin ang sapatos na nakanganga nanaman ang swelas. Nilagyan niya na ito ng tape noong nakaraan pero base sa kondisyon nito ay kailangan na talaga itong palitan. Napatingin naman siya sa sariling kamay at nakita ang regalo sa kanya noong kaarawan. Napabuntong hininga na lang siya dahil kaya nga siyang bilhan ng porselas pero ang sariling sapatos naman ay hindi man lang maipagawa.



“Bal, dumiretso ka na sa banyo, paliliguan kita.” Sumunod naman si Chanyeol habang kinukuha ni Baekhyun ang tuwalya at mga damit ni Chanyeol. 



Habang naghahalungkat siya ng mga damit ay nahulog ang mga flyers ng pabahay kasama ng sobre na may lamang mga pera. Hindi alam ni Baekhyun kung anong pagtitipid ba ang ginagawa ng nobyo para makaipon ng ganoon kadaming pera—nagtataka kung para saan din ba ang bahay na pinagiipunan nito. 



Mabilis niyang binuklat ang pera sa loob ng sobre at sa kalikuran ay may nakasulat na “Para sa future namin ni Bal.” Napatigil siya at nanginig ang mga labi. Namumuo nanaman ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. 



Matagal na rin simula tanggapin ni Baekhyun na hindi pa nila kaya. Hindi pa kaya bumuo ng sariling pamilya. Hindi pa kaya tustusan ang mga pangangailangan nila. Basta, hindi pa kaya.



Pero hindi naman ibig sabihin ay ayaw niya. Sino ba naman ang hindi nangarap magkaroon ng pamilya kasama ang taong mahal mo? Minsan nga’y napagkasunduan pa nila na kung magkakaroon sila ng panganay na lalaki, “Yuan” ang gustong ipangalan ni Baekhyun sa magiging anak at sumang-ayon naman dito ang nobyo, nangakong iyon ang ipapangalan sa panganay na anak.



Naputol ang kanyang pagiisip-isip nang bigla siyang tawagin ng kasintahan mula sa banyo “Bal, matagal pa po ikaw?” 



Nadatnan niya ang nobyo na nakaupo sa kasilyas habang nakayuko nanaman at nakapikit ang mga mata. Pinagmasdan niya muna ito at naisip kung gaano kaya siya kapagod ngayong araw. Siguro nga ay ang katawan niya na mismo ang sumusuko dahil kung si Chanyeol lang ang tatanungin, magpapaalipin siya sa salapi hangga’t kaya niya.



Lumapit si Baekhyun, habang marahang tinatanggal isa-isa ang mga damit nito. Sinalat niya ang leeg nito at naramdaman na mainit ang temperatura niya, sa dami ng kanyang ginawa ay mabibinat talaga siya.



“Pahinga tayo pagkatapos, Bal. Dito ka muna matulog ha.” Paglalambing ng nobyo at parang nanghina naman ang mga tuhod ni Baekhyun dahil nangungusap nanaman ang mga mata nito habang tinitignan siya.



“Magpapahinga tayo pero kumain ka na ba?” Saktong pagkatanong niya ay siyang pagkulo naman ng tiyan ni Chanyeol.



Binilisan na ni Baekhun ang kilos para makakain at makapagpahinga na sila. Matapos niyang paliguan ang nobyo ay binihisan niya na ito. Pinahiga niya muna ang kasintahan at nang matapos na rin siyang maligo ay dumiretso na siya sa kusina para maghanap ng hapunan nila.



Dalawang pitsel ng tubig. Isang itlog. At tirang sabaw ng pares. ‘Yan ang bumungad sa kanya nang buksan niya ang ref. Binuksan niya ang cabinet sa taas para makita ang tatlong stick ng kape at kakarampot na asukal at creamer na nasa garapon ng dating peanut butter. Yumuko siya at binuksan ang lalagyan kung saan itinatabi ni Chanyeol ang bigas pero ni isang butil ay wala na rin ito. 



Nang daanan niya sa upuan kanina ang nobyo ay natutulog ito. Hinayaan niya muna magpahinga at ngayon ay kinakatok niya ang katabing bahay para manghingi ng bigas. Buti na lamang at mabait ang matandang kapitbahay ni Chanyeol at pinangakuan na lang ito ni Baekhyun na bibilhan niya ito ng bigas sa susunod.



Tinapik niya nang marahan ang nobyo para gisingin ito. “Kain na tayo, Bal.” Pagkabukas ng mga mata ni Chanyeol ay inalalayan naman siya ni Baekhyun para makaupo ito.



“Ah.” Sambit ni Baekhyun habang ibinubuka rin ang bibig para gayahin siya ni Chanyeol. Sinubuan niya ito habang nakapulupot ang nobyo sa kumot. 



Lumunok si Chanyeol at sinabing “Bal, sorry ha? Alam ko may meeting kayo ngayon. Sabi ko naman kay Se ‘wag ka na sabihan eh.” 



“‘Wag ka na mag-sorry. Malapit lang naman ako. At tsaka, sabi ni Sehun, nagkasakit ka raw. Hindi mo man lang ako sinabihan, para sana maalagaan kita. Bal naman eh.” Sagot naman ni Baekhyun habang umiiling dahil kahit na may sakit ay siya pa rin ang iniisip ng nobyo.



“Alam ko kasing madami ka ring ginagawa, ‘di ba may promotion kayo ngayong buwan? Ayoko maging sagabal doon, Bal.” Sagot naman ni Chanyeol habang hinihipan ni Baekhyun ang kanin at sabaw bago subuan uli ang nobyo.



Habang sinasandok niya ang kanin at sabaw ng pares ay hindi mapigilang malungkot ni Baekhyun dahil pati ba naman kalusugan ni Chanyeol ay isinusugal niya na para lang sa kanya. Mabigat na nga ang responsibilidad nito sa pamilya ay dadagdag pa pa ba naman siya?



“Sabi ko naman sa’yo, magpahinga ka kahit isang araw lang.” Sinabi ni Baekhyun nang mariin. “Isang araw lang, Bal. Hindi ka kasi nakikinig sa’kin.”



“Bal, ‘yung isang araw na ‘yon, pangdagdag bayad na rin yun ng kuryente.” Protesta naman ni Chanyeol at nang makita niyang magsasalita nanaman si Baekhyun ay inunahan niya na ito.



“Bal, wag mo na po ‘ko pagalitan.” Sambit nito habang nakanguso at sino ba naman si Baekhyun para hindi pakinggan ito eh grabe naman kung maglambing. “Gusto ko lang makasama ka ngayon. Dito ka lang muna sa tabi ko.”



“Ubusin mo ‘to, kailangan mo uminom ng gamot.” Pagpapaala ni Baekhyun at hinagkan ang nobyo sa noo.



Sa panghuling subo ay muling hinalo ni Baekhyun ang sabaw at kanin pero pagkatinghaya ng ulo niya ay nakita niyang nakatulog nanaman ang kasintahan. 



Tumayo muna si Baekhyun para kumuha ng gamot sa maliit na drawer sa kusina. Pagkabukas niya ng unang kaha ay mga bayarin agad ang bumungad sa kanya. Ang kuryente, ang tubig, at tatlong sobre na may sari-sariling pangalan–Mama, Papa, Ate.



Wala pa man ang sweldo ay may kalalagyan nanaman ang bawat sentimong makukuha niya ngayong buwan.



At hindi rin nakakatulong ang nakita niya kaninang ipon ni Chanyeol para sa kanila. Hindi niya kayang isipin ang kinabukasan nila ni Chanyeol hindi dahil hindi niya ito mahal, hindi niya lang lubos maisip ano pang matitira sa nobyo kung pati siya ay kumakain ng espasyo sa katiting na sweldo.



At ito ang ikalawang beses.



Ikalawang beses na sumagi sa isipan niya na ang pagmamahal ay may panukatan.





Ang pagsasakripisyo ng dignidad.



Noong kolehiyo si Baekhyun ay naintriga siya sa isang librong nakita niya sa gitna ng aklatan kung saan siya madalas magpalipas ng oras. Makapal ang pahina nito at may nakadikit na logo ng UP Press sa bandang ibaba. Kinapa niya ang mga letra ng pamagat nito na “Etsa-Puwera” at binasa kung sino ang naglathala nito.



Hiniram niya ito at inuwi sa bahay, sa gitna ng pagbabasa niya ng nobela ay bigla siyang napahiyaw dahil ang mabigat na libro ay bumagsak sa kanyang mukha dahil nakasanayan niya na na magbasa nang nakahiga.



Bumangon siya para tignan ang tinamaang parte ng mukha sa salamin. Nang masipat niya na mukha namang walang nangyari ay nagpatuloy siya sa pagbabasa, kinuha ang lapis at nilagyan ng salungguhit ang isang sipi na sinang ayunan niya.



Mas madaling mamatay kaysa mabuhay, tumataas ang halaga ng pagkain habang bumababa naman ang halaga ng buhay. 

— (Jun Cruz Reyes, Etsa-Puwera



Naisip niya na ang pinaka-masahol na magnanakaw ay hindi ang mga korap na nakaupo sa senado, hindi rin ang mga tagapagpatupad ng mga batas, hindi rin ang mga ahensya ng gobyerno, kung ‘di ang kapitalismo.



Oo, kapitalismo. 

Magnanakaw ang kapitalismo. 

Ninanakaw niya ang dignidad, pangarap, at bawat abilidad ng mamamayan para umunlad.



Ano nga naman ang silbi mo sa lipunang ang materyal na mga bagay ang magdidikta ng kalidad mo? Ano nga naman ang silbi ng mga taong nasa laylayan na pinipilit tumindig sa kanilang sariling moral? Ano nga naman ang silbi ng mga etsa-puwera sa bansang hindi sila binibigyan ng sapat na karapatan para mamuhay?



Pero hindi naman ito ang pinupunto ng sipi. 



Ang pinupunto nito ay ang dignidad. Paano na lang kung hahayaan mong manalo ang kapitalismo kung ang kapalit naman ay ang dignidad mo? Ano pa ang matitira sa’yo?



Kaya naman bilang iskolar ng bayan, alam ni Baekhyun ang kanyang mga karapatan at alam niya kung paano ito ipaglaban.



Sabado nanaman at ang tanging lugar na matatagpuan ni Baekhyun ang nobyo ay sa may tapat ng simbahan kung nasaan ang karinderyang pinagtatrabahuhan nito.



Dumaan muna siya sa simbahan para magtirik ng kandila at magsabi ng saloobin sa Panginoon. Isama mo na rin ang walang sawa niyang pagsambit ng kahilingang sumang-ayon at maging patas nawa ang ikot ng mundo sa buhay ng kasintahan.



Dadalawin niya sana si Chanyeol, munting sorpresa dahil ang katiting na oras na kanilang pagkikita tuwing katapusan ng linggo ay laging inaabangan ni Baekhyun.



Mula sa kinatatayuan niya ay tanaw niya na ang karinderyang pinagtatrabahuhan ng nobyo, nasa kabilang dulo ng kalsada kung saan nakahalera dito ang samu’t-saring tindahan. Mayroong gulayan, mayroong bilihan ng damit, at ang munting karinderya ni Aling Karing.



Inilibot niya ang mga mata bago matagpuang nagpupunas ng lamesa ang nobyo. Madaming customers kaya naman pinanood niya muna ito sa malayo, ayaw niyang maging dahilan para maging mas abala pa ang kasintahan. 



Sa isang lamesa katabi ng kanyang pinupunasan ay nakaupo ang mga empleyado ng isang kumpanyang pamilyar sa kanya. Tinawag ang kasintahan niya para lumapittinawag hindi gamit ang bibig kung ‘di ang daliri lamang. Kumunot ang kanyang noo sa nakita at hindi pa diyan natatapos dahil pinanood niya rin kung paano kumuha ng tasa ang nobyo matapos siyang utusan. 



Humigop ang lalaking naka uniporme at para bang napintahan ng pagkadismaya ang mukha. Tumayo ito at itinapon ang sabaw sa lamesa, dinuro-duro ang kasintahan sa harap ng kanyang mga katrabaho. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Baekhyun kung paano nakakuyom ng mga kamao ni Chanyeol ngayon.



Hindi naman pala away ang nobyo, kung tutuusin ay napakahaba nga ng pasensya nito. Pero alam niya ang tama sa mali, alam niya kung kailan siya lalaban. Pero alam din ni Baekhyun na mas pipiliin ni Chanyeol na tumahimik sa ganitong sitwasyon dahil ayaw niyang magdulot ng gulo sa trabaho.



Dahil baka maibawas pa ito sa kanyang sweldo. Pera nanaman, kapitalismo nanaman. ‘Yan ang puno’t dulo ng lahat para sa katulad niyang namumuhay lang para hindi mamatay.



Sinundan naman ito ng agresibong kapit sa kwelyo at parang may kung anong pumigil sa katawan ni Baekhyun. Hindi siya makagalaw, nanatiling nakadikit ang mga paa sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang sunod-sunod na malalaking bus na naguunahan sa kalsada.



Sa pagitan ng mga dumadaang sasakyan ay nakikita niya ang pasulpot sulpot na sitwasyon sa karinderya. Mas nadurog ang kanyang puso nang ihagis ng lalaki ang pambayad sa harap ng nobyo. Isa-isang tumayo ang mga empleyado at naglakad papalayo.



Habang puno ang sikmura ng mga empleyado ay nagpupulot naman ng barya sa sahig si Chanyeol, sinisiguradong bawat barya ay madadampot niya. 



At parang may kung anong pumipisil sa puso ni Baekhyun habang pinapanood nang ganito ang nobyo. Hindi niya lubos akalaing ang mapag-alaga, mapagmahal, at masipag niyang Bal ay kailangang tiiisin na tapak-tapakan lang ang sariling dignidad para sa pera.



Hindi pa natatapos doon dahil dumiretso na sa paglilinis si Chanyeol ng mga tirang pagkain. Pero napansin nito na kumuha muna ang nobyo ng isang malinis na plato. Tumigil muna si Chanyeol, tinignan ang lamesa na parang inaanalisa ang mga natirang pagkain dito. 



Maya-maya pa ay nakita niyang isinasalin ng kasintahan ang ibang pagkain sa malinis na platong kinuha niya. Marahang pinipili ang mga pwede pa. Isinalansan niya ang mga maruruming plato at inilagay sa lababo sa likod na bahagi ng karinderya. 



Lumabas naman ito para umupo kung saan kumain ang mga empleyado kanina, kaharap ng platong may pira-pirasong pagkain. 



Tila pinipiga ang kanyang damdamin sa bawat pagsubo’t paglunok ng kasintahan dahil parang wala na lang ito sa kanya. Kailan pa? Kailan pa siya nasanay sa ganitong sitwasyon? 



Kalagitnaan ng pagkain niya ay inilabas niya ang sobreng naglalaman ng sweldo mula sa bulsa, binibilang ang perang nasa loob at ibinalik ito sa bulsa. Sunod naman niyang inilabas ang telepono at may tinype dito habang sumubo ulit ng tirang pagkain.



Punong-puno ng paghihinagpis ang damdamin ni Baekhyun habang nakikita niya kung paano binabago ng sistema ang taong minahal niya. Ang taong minsa’y naniwala sa sarili at sa pag-asang pwedeng mangarap. Ang taong hindi inakalang pati kalusugan ay aalisin sa kapakanan. Ang taong hindi papayag na mabali ang moralidad.



Wala pang ilang segundo ang nakalipas ay may narinig siyang pamilyar na tunog mula sa telepono.



Bal ❤️

Bal, makakapag date na tayo doon sa bagong bukas na restaurant.



Bawat salita ay parang may kaakibat na talim na tumatama sa puso ni Baekhyun—Galit. Dalamhati. Pag-asa. 



Ang talim ng galit. Galit siya sa mundong kailanman ay hindi naging patas at ang tanging alam lang ay ang kumuha nang kumuha hanggang maubos na ang lahat.



Ang talim ng dalamhati. Ang kamatayan ay duwag. Duwag dahil mapanlinlang ito at nagtatago sa likod ng maskara ng kahirapan na dahan-dahang pinapatay ang mga marhinalisado.



Ang talim ng pag-asa. Marahil ay may nagaabang na pag-asa sa kinabukasan. Marahil ay matagal nang natuldukan ang kinabukasang naghihintay. Pero mas gusto niyang paniwalaan ang pang una—kahit para na lang sa kasintahan at kahit ‘wag na siya. 



At dahil matapos lahat ng nasaksihan niya ay nagawa pa rin siyang isipin ni Chanyeol, ito ang ikatlong beses.



Ikatlo at huling beses na sumagi sa isipan niya na ang pagmamahal ay may panukatan.



Ang pagsasakripisyo ng pangarap.

Ang pagsasakripisyo ng kalusugan.

Ang pagsasakripisyo ng dignidad.



Hanggang saan pa ba ang isasakripisyo ni Chanyeol para sa pag-ibig?



At itong mga panukatan na ito ang dahilan kung bakit nagiging malinaw na sa paningin ni Baekhyun na may hangganan din ang lahat.





Sumapit na ang gabi at nanatiling nakaupo sa sahig si Baekhyun. Hindi niya na kaya pang harapin ang nobyo kanina kaya’t naglakad na lang siya pauwi bitbit ang mabigat na desisyong alam niyang umaali-aligid na sa kanyang isipan simula pa noong nakita niya ang pagsasakripisyo ni Chanyeol ng kanyang pangarap.



Mapupulang mga mata at pisnging hindi na natuyo mula sa luhang umaagos dito simula pa kanina ang karamay niya ngayong gabi. Hindi rin nakakatulong na kahit saan mang sulok ng bahay siya tumingin ay nakikita niya lamang ang bawat piyesa ng kung anong meron sila ng kasintahan.



Sa ilalim ng ordinaryong gabi para kay Chanyeol ay isang gabi naman na isusugal ni Baekhyun ang puso dahil buo na ang kanyang desisyon. Simula pa kanina ay ang tanging naririnig lang ni Baekhyun ay ang kanyang sariling hagulgol kaya naman nabigla siya nang makarinig siya ng katok mula sa labas.



At bago pa niya buksan ang pinto ay alam niya na ang taong naghihintay mapagbuksan nito.



“Bal, hindi ka nasagot sa mga text at tawag ko. Nag aalala na ko akala ko kung napaano ka na. Nakauwi ka na pala, may dala akong pagka—” Napatigil sa pagsasalita si Chanyeol nang makita ang namumugtong mata ni Baekhyun.



“Anong—“ Naubusan ng salita si Chanyeol nang tignan lang siya nito na parang nangungusap ang mga mata. “May problema ba, Bal?” 



“Bal? Bakit ka naiyak? May problema sa opisina? Sa bahay? May nagawa ba ako?” Dire-diretso niyang tanong pero tumalikod lang si Baekhyun at naglakad papalayo.



“Bal?” Tawag muli ng nobyo at sinubukang hawakan ang kamay pero tinabig lang siya nito.



“Bal, kausapin mo naman ako.” Pagmamakaawa ni Chanyeol, sinusundan ang nobyong nakaharap sa bintana, tinitignan ang kalayuan ng bawat gusali.



“Tama na, Chanyeol.” Sambit ni Baekhyun habang nanginginig ang mga labi. “Tama na ‘yung siyam na taon.”



“Bal…” Mahinang tawag nito, naguguluhan sa mga sinambit na salita ng kasintahan. “Wag ka namang magbiro nang ganyan.” 



Naramdaman ni Baekhyun ang kamay ng kasintahan na dahan-dahan siyang pinapaharap sa kanya. “Kung may nagawa ako, pwede ko naman ayusin.” Dagdag pa nito.



“Kailan, Chanyeol? Bukas? Bukas makalawa? Sa susunod na linggo? Sa susunod na buwan? O sa susunod na taon?” Ginamit ni Baekhyun ang lahat ng natitirang lakas para tignan sa mga mata ang nobyo.



Ipinikit ni Baekhyun ang mga mata bago magsalita “Pagod na ‘ko.” Minulat niya ang mga mata bago ipagpatuloy ang mga sasabihin. “Palagi na lang bang ganito? Ayoko na ng pagmamahal na ganito.” 



“Bal, gagawan ko naman ng paraan. ‘Wag naman ganito, Bal. Please.” Hinawakan ni Chanyeol ang magkabilang kamay ni Baekhyun habang namumuo na ang mga luha sa gild ng kanyang mga mata.



Inalis muli ni Baekhyun ang pagkakahawak sa kanya ng nobyo dahil ang mga salitang narinig niya, ‘gagawan ko naman ng paraan’ ay ang eksaktong mga salita na ayaw niyang marinig mula dito dahil hindi na dapat madagdagan pa ang mga kinukuhang piraso sa kanya ng sistemang baluktot.



“Hindi mo na ba ‘ko mahal, Bal?” Mahinang tanong ni Chanyeol habang nakayuko at unti-unting nalalagyan ng mga patak ng luha ang sahig.



"'Yun na nga eh! Mahal kita, Chanyeol. Pero ang mahal magmahal." Sagot ni Baekhyun habang nanginginig ang mga balikat. 



Napuno ng katahimikan ang unit ni Baekhyun at ang paghihinagpis ng dalawang puso lamang ang naririnig dito. 



Umupo sa dulo ng kama si Baekhyun, nakaharap sa nobyong kahit na anong punas ng luha ay di pa rin natigil ang pagpatak nito. “Hindi mo ba naiintindihan? Gusto ko na kumawala sa buhay na meron ako kapag kasama kita.”



Pero kahit sarili ni Baekhyun ay hindi niya mapapaniwala sa sinabi dahil alam niya sa sariling ayaw niya naman talagang kumawala.



Pero kailangan.



Dahil ano pang silbi ng abilidad ng pusong magmahal kung ang bulsang salat naman ay nagiging sagabal.



Hindi niya kayang panoorin sa harap niya ang pag-iyak ng nobyo dahil natatakot siyang baka bawiin niya ang lahat ng sinabi kaya naman tumayo siya at tumalikod muli kay Chanyeol.



“Ayoko na ng ganitong buhay. Ayokong makulong sa kahirapan kasama ka.” Sinabi ni Baekhyun nang mahina at pinili niya talaga ang mga salitang alam niyang masasaktan ang nobyo. 



Kung pwede lang hilingin niyang biro lang ang lahat ng ito o kaya naman ay panaginip lang dahil ang totoo’y hindi naman problema ang pera. Pero hindi. Problema talaga ang pera.



Wala agad naisagot ang nobyo pero ang mga bisig nito ay maingat na pumulupot sa katawan niya. “Mabigat na ba, Bal?” Bulong ni Chanyeol habang nakasiksik ang mukha sa leeg ng kasintahan. 



“Nabibigatan ka na sa’kin?” Dugtong pa nito habang nababasa na ang telang malapit sa balikat ni Baekhyun dahil sa mga luhang tumutulo.



At kung ang akala nga ni Baekhyun ay ubos na ang kanyang mga luha, nagkakamali siya. Dahil humagulgol nanaman siya sa tanong ng nobyo, hindi niya rin napigilan ang sarili para yakapin pabalik ang kasintahan.



Tumagal sila sa pwesto kinatatayuan, pinagmamasdan ang ang repleksyon sa salamin. 



“Bal, hayaan mo lang akong palipasin ang gabi, aalis ako pagdating ng umaga kung ‘yon talaga ang gusto mo.” Huling hiling ng kasintahan.



Kaya naman inabot sila ng madaling araw na mulat pa ang mga mata. Walang mga salitang lumalabas sa kanilang mga bibig dahil sapat na na ang kapayapaang dala ng katahimikan. 



Sinayaw nila muli nang magkayakap ang “Ikaw Ang Aking Mahal.”, pinanood ang pagkislap sa ng mga bituin habang hinahagkan ang kamay ng bawat isa, humiga sa malambot na kama nang magkaharapang isa’y pinaglalaruan nang malumanay ang buhok ni Chanyeol at ang isa naman ay paulit-ulit na tinutunton ng daliri ang bawat kurba ng labi ni Baekhyun na parang sinasaulo ang bawat sulok nito.



Hindi na rin nila namalayan ang dalang pagod ng mahabang araw at ng pag-iyak kaya naman ay bumigat na ang mga mata ni Baekhyun. Umandar ang oras nang nakakulong ang maliit na katawan ni Baekhyun sa di hamak na mas malaking katawan ng nobyo.



Naalimpungatan na lamang siya nang nakaramdam siya ng paggalaw sa kama. Hindi niya muna iminulat ang mga mata dahil natatakot siyang makita ang sinag ng araw na magdidikta na tama na ang siyam na taon.



Naramdaman niya ang kamay ng nobyo na dumampi sa kanyang buhok, hinahawi-hawi ito, naramdaman niya rin ang isang kamay nito na itinaas ang kanyang kamay para hagkan ito nang paulit-ulit. At eto nanaman ang mga boses sa utak niya na nagsasabing sana ay pwede pa pahabain ang mga oras na ‘to. 



Pero alam niyang may hangganan ang lahat. Hangganan na siya mismo ang naglatag.



Maya-maya, kasabay ng paglalaro sa kanyang buhok ay narinig niya ang boses ni Chanyeol. “Sabi ko kakayanin ko naman ‘pag iniwan mo ko, ‘di ba, Bal?” Huminto ito at bumuntong hininga. “Pero ang hirap pala.” 



“Pero ayoko rin maging makasarili kasi handa akong ibigay ang kalayaan mo, Bal.” Dugtong ni Chanyeol at kahit na sa huling sandali ay si Baekhyun pa rin ang iniisip niya.



Pinigilan ni Baekhyun ang kahit na anong emosyon, hindi pwedeng ibukas niya ang mga mata dahil alam niyang hindi kakayanin ng damdamin niya ang panoorin lang na mawala sa kanya ang taong pinakamamahal niya.



“Sa tag-araw…” Nanginginig na sambit ni Chanyeol, natatakot tapusin ang huling mga salita dahil alam nila parehong ito na ang huling beses. Naramdaman ni Baekhyun ang mariin na paghalik ng nobyo sa kanyang noo kasabay ng paghikbi nito. “At sa tag-ulan.”



Siguro nga, katulad ng mundo, ang pag-ibig din ay mapagpanggap. Mapagpanggap dahil ang isa sa kanila ay nagsisinungaling na handa niya na pakawalan ang lahat ng meron sila at ang isa naman ay ayaw amining hindi niya kakayanin ang lumakad papalayo sa tahanan niyang siyam na taon niyang minahal.



Pinalipas muna ni Baekhyun ang oras, nakikinig sa bawat kaluskos, sa bawat yabag ng paa, sa bawat paghinga ng nobyo. Umabot pa nga sa puntong inisip niya na siguro pwede pa, pwede pa bawiin ang lahat kaya naman minulat niya ang mga mata at dali-daling tumayo.



Pero nakaalis na si Chanyeol at pagkatingin niya sa orasan ay tanghali na. Hindi niya namalayang nakatulog ulit siya. Hinawakan niya ang unan kung saan humiga si Chanyeol, niyakap nang mahigpit at isiniksik ang mukha habang inaamoy ang pabango ni Chanyeol na kumapit sa tela nito.



Ilang oras nanaman ang lumipas na lingid sa kanyang kaalaman. Pagsapit ng dapithapon ay nakakaramdam na siya ng panunuyo sa lalamunan kaka-iyak at ang unang yapos-yapos niya pa rin ay nababad na sa luha. 



Ang bawat yabag na kanyang tinatahak papunta sa kusina ay parang pagbabanta at pagpapaalala na siya mismo ang naglagay ng tuldok sa pagiibigan nila ng dating kasintahan dito mismo sa kanyang tinutuluyan.



At bago pa siya makarating sa tapat ng ref ay napatigil siya dahil may nakataklob na plato sa gitna ng lamesa. Huminga siya nang malalim at dahan-dahang inangat ang platong nakataklob dito. 



Pinakbet. Pinakbet na may kalabasa.



At saktong pagkakita niya ng putahe ay saktong paglabo nanaman ng paningin niya dahil sa pagbagsak ng mga mabibigat na luha. Mayroon pa siyang nakitang maliit na papel sa ilalim ng plato. Pinunasan niya muna ang luha bago basahin ang mga salita.



“Kain ka, Bal, habang mainit pa.”









Ilang pahina na rin ng kalendaryo ang napunit. Ilang thirteenth month pay na rin ang nagdaan. At ilang taon na rin simula nang tiniis niyang manalo nanaman ang putanginang kapitalismo na ‘yan.



Tuloy lang naman sa pag-ikot ang mundo gaya ng ambisyon sa buhay ni Baekhyun. Simula pa lang naman ay magaling siya sa ginawa niya. At napatunayan niya na rin sa mga magulang niya na kaya niya tumayo sa sariling mga paa.



Marami na siyang naengganyong mga kliyente, marami na ring naaprubahang mga meeting, marami na siyang naiambag sa trabaho na naging dahilan ng maraming promotions. 



Pero eto siya ngayon, wala pa ring payong. 



“Ano ba yan? Ang araw-araw kanina tapos uulan?” Inis na tanong ni Baekhyun sa sarili habang ginagawang pangtakip ang laptop bag papunta sa isang waiting shed.



Pagkarating niya ay pinagpagpagpag niya ang waterproof na bag at tsaka binuksan ito para maghanda ng pamasahe dahil ayaw niya ng kung kailan bababa ay tsaka pa lang kukuha ng barya. Pagkalabas niya ng barya ay sumabit naman sa zipper ang porselas na suot niya.



Ang porselas na regalo sa kanya ng dating kasintahan pitong taon na ang nakalipas.



Nahulog ito at tumilapon sa gilid ng waiting shed kung saan hindi na ito sakop pa ng bubong. Yumuko siya para kunin ito habang nababasa ng malalakas na patak ng ulan.



Nahirapan siyang kunin ito dahil humiwalay ang tatlong pendant na nakasabit dito hanggang sa may isang pares ng kamay ang tumulong sa pagdampot nito at naramdaman niya rin ang pagtigil ng ulan, hindi dahil napagdesisyonan ng panahon na umaraw ulit, kung ‘di dahil may payong na ngayon sa itaas niya.



Pagkatingala niya ay agad sana siyang magpapasalamat pero parang tumigil ang lahat nang magtagpo muli ang kanilang mga mata. Boluntaryong nagbukas ang bibig ni Baekhyun pero parang walang mga salita ang sumubok na lumabas mula sa labi nito. 



Ngayon niya lang muli nakita ang mga nangungusap na mata ni Chanyeol.



Nang mapagtanto niya na nababasa na si Chanyeol ay kumurap ito ng mabilis at mahinang sinambit ang “Thank you.” bago umurong para papasukin ang katabi sa waiting shed.



“Nasa'yo pa pala ‘yang bracelet.” Sambit ni Chanyeol, naglalakad papasok at tumango lang si Baekhyun. 



Simula noong natanggap niya naman ang regalo ay hindi na ito naalis sa kanyang kamay lalo na’t ang dating nobyo pa ang nagsuot sa kanya nito. At isa pa, isa ito sa nagpapaalala sa kanyang minsan ay may nagmahal sa kanyang katulad ni Chanyeol.



Sinarhan ni Chanyeol ang payong at hinayaang tumulo ang tubig nito sa konkretong sahig. “Manager ka na.” Masayang bati naman sa kanya, at agad namang napatingin si Baekhyun sa ID niyang may nakalagay na posisyon. 



“Ikaw din!” Nilingon niya ang katabi at nakita niya ang nametag nitong nakasabit malpit sa kwelyo.



“Assistant manager lang.” Sagot naman ni Chanyeol na parang wala lang. 



“Pinagtrabahuhan mo ‘yan, Chanyeol. Wag mo sabihing ‘Assistant manager lang’” Sagot naman ni Baekhyun dahil alam niya kung saan nagsimula ang dating nobyo.



“Assistant manager.” Pag-ulit naman ni Chanyeol ng may ngiti at tumango pa ito para ipakitang tama nga naman ang sinabi ng isa. 



“Kumusta ka?” Dugtong naman ni Chanyeol, may halong pag-aalinlangan sa boses habang nakatingin sa katabi.



“Life’s good.” Sagot ni Baekhyun, huminga nang malalim at sandaling tinignan sa mga mata si Chanyeol bago ibalik ang tingin sa kalsada. 



“Madaming campaigns, madaming meetings, pero occasionally pinapadala ako sa ibang bansa ng executives, nakakagala ako.” Napangiti siya sa huling sinabi dahil kahit na pagod siya sa trabaho ay alam niyang masaya naman siya dito.



“Ikaw, kumusta ka naman?” Tanong niya pabalik, umaasang patas na sana ang ikot ng mundo sa buhay ni Chanyeol.



“Malapit na matapos ang bahay na pinagawa ko para kanila mama. Ako rin gumastos sa kasal ni Ate. At si Papa? Ayun, sa awa ng Diyos, tumigil na sa pag-iinom.” Sambit ni Chanyeol at habang sinasabi niya ito ay palaki nang palaki ang kurba ng ngiti sa mga labi ni Baekhyun.



Nakakaproud lang.



“Big time ka na pala eh.” Sambit nito habang sinisiko ang katabi.



“Sakto lang.” Sagot naman ni Chanyeol na parang nahihiya dahil kung titignan mo noon ay daig pa niya isang kahig, isang tuka.



Ang mga patak ng ulan ay nakakatulong para takpan ang katahimikang bumabalot sa kanila ngayon. “Ang layo na natin no?” Biglang sambit ni Chanyeol.



‘Natin’ at parang may nabuhay na alaala sa puso ni Baekhyun. Simula naman noong naghiwalay sila ay tinanggap niyang hindi na muli sila magkikita pa kaya naman ang isang salitang ‘yon ay nagbukas ng pintuan para sa mga alaalang akala niya ay limot niya na.



Hindi niya sinagot ang tanong ng katabi dahil napadpad ang isipan niya sa mga alaalang hindi niya akalaing babalikan niya muli. “Dinadalaw kita sa trabaho mo noon.”



Kita niya ang pagtingin sa kanya ng katabi habang sinasambit niya ito. “Sinasadya ko maglakad ng sampung minuto para makita kita sa malayo. Pero may mga beses na gusto ko pumasok sa loob at tignan ka nang malapitan.”



Hindi mabilang ni Baekhyun kung ilang beses siyang nagtago sa likod ng poste o kaya naman ay kinausap ang katrabaho ni Chanyeol na si Sehun para masiguradong okay lang siya, kung kumakain pa ba si Chanyeol, kung masyado ba nitong pinapagod ang sarili.



“Nagsisi ka ba na iniwan mo ko noon?” Tanong ni Chanyeol nang maingat at walang halong negatibong konotasyon.



“Hindi.” Mabilis niyang sagot habang may ngiti sa labi na hindi man lang aabot sa kanyang mga mata “Kasi pagkatapos ko makitang kaya mo naman na wala ako, tumigil na rin akong puntahan ka.”



“Sobrang hirap nung nawala ka sa’kin. Hindi ko alam paano ko nakaya ‘yon lahat.” Pag amin ni Chanyeol ng may halong kaunting kalungkutan sa boses nito.



“Pero tignan mo ngayon, assistant manager ka na.” Nilingon niya ang nasa tabi at nakitang nakatingin na rin ito sa kanya.



“Pero wala naman na 'kong ikaw.” Kaswal na sagot naman ni Chanyeol. Tinignan nila ang bawat isa na parang pinapanood ang mga repleksyon sa mga matang nakaharap sa kanila.



“Pero naiintindihan naman kita eh, palagi akong gipit kaya nagmahal ako nang tipid.” Dugton ni Chanyeol habang umiiwas ng tingin.



“Yeol…” Tawag ni Baekhyun at hindi niya agad namalayang inaabot na pala niya ang kamay ng katabi kaya naman agad niyang pinigilan ang sarili. “Alam mo, natatakot ako noon kasi alam kong ang dami mong kayang ibigay sa’kin.” 



Tinignan muli siya ng dating kasintahan na parang may nakapintang malaking katanungan sa mukha

 

“Nakita ko kung paano ka inuubos ng sistema, nakita ko kung gaano karaming bagay ang kaya mong isakripisyo, nakita ko kung paano ka binago ng kahirapan.” Pagpapaliwanag ni Baekhyun. 



“Pero hindi ka nagtipid sa akin. Hindi mo ko minahal nang tipid.” Umiling siya ng bahagya. “Minahal mo ko nang sobra pa sa sobra.”



Nakakunot ang noo ni Chanyeol at pinipilit na ipagtagpi-tagpi ang mga pangyayari pitong taon ang nakalipas. “Pero hindi 'yon yung sinabi mo noon nung nakipaghiwalay ka.”



“Hindi.” Mabilis na sagot ni Baekhyun. “Dahil kailangan kitang saktan. Kasi kapag sinabi ko ‘yung totoo, na kaya ko gusto bumitaw sa atin kasi ayokong maging sagabal sa posibilidad ng magandang kinabukasan na nakaabang sa’yo kung wala ako, alam kong hahabulin mo ko.” 



“At alam kong hindi ko kaya kumawala kapag nakakulong na ko sa mga bisig mo. At kapag nakulong na ko sa mga bisig mo, lalo lang kita hihilahin pababa.” Dagdag pa niya at nararamdaman niya na ang unti-unting pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata.



“Bakit kailangan mo magdesisyon para sa atin.” Tanong ni Chanyeol, at nang tignan siya ni Baekhyun ay nalaman niya hindi lang siya ang nagpipigil ng emosyon. “Baekhyun naman, alam mo namang ikaw ang pipiliin ko.” Dagdag nito ng may panghihinayang sa boses.



“Alam ko.” Natatawang sabi niya ngunit walang bahid ito ng kasiyahan. “Kaya nga kita iniwan kasi alam kong pipiliin mo ako.” 



“Pakiramdam ko ako ‘yung dahilan kung bakit mas nahihirapan ka. Pakiramdam ko mas gagaan ang buhay mo kung wala ako.” Pagpapaliwanag pa muli ni Baekhyun dahil aminin niya man o hindi ay hinintay niya ang pagkakataong itoang palayain ang sarili sa pamamagitan ng katotohanan.



“Hindi naman ako tumigil.” At hindi na napigilan ng luha niyang pumatak kasabay ng pagbuhos ng mas malakas pang ulan “Na mahalin ka.”



Dahil hindi naman natatapos ang pagmamahal kahit na may panukatan ito.



“Bal…” Tawag ni Chanyeol sa kanya gaya ng pagtawag niya noon kay Baekhyun.



At mas lalo lang nagpaunahan lumabas ang mga patak ng luha mula sa mata ni Baekhyun kasabay din ng tahimik na pag-iyak ni Chanyeol. Sinong mag aakalang maririnig niya muli ang salitang ‘yon mula sa kanyang tinatangi.



Pero matagal na panahon na ang lumipas. Pitong taon ang nagdaan at nang mag-akmang aabutin ni Chanyeol ang pisngi ni Baekhyun para punasan ang mga luha nito ay may narinig na sigaw mula sa malayo ang dalawa.



"Papa!" Sigaw ng bata habang ang maliliit na paa ay tumatakbo papunta sa kanilang direksyon, nakakapote na kulay dilaw at may hawak na payong.



Natigil sa pag-iyak si Baekhyun at tinignan ang bata nang may pagtataka sa mukha. Ibinalik niya ang tingin kay Chanyeol pabalik muli sa bata at papunta muli kay Chanyeol.



Sinalubong ni Chanyeol ang batang ngayon ay nakayapos sa kanyang binti habang nakatingala sa kanya. "Sabi po ni Mama, bakit daw po ang tagal niyo?" Sambit ng bata habang humahaba ang nguso tulad ng ginagawa noon ni Chanyeol kapag nagtatampo ito.



Kuhang-kuha ng bata ang hulma ng mukha ni Chanyeol pati na rin ang mga nangungusap nitong mga mata at pati na rin ang tenga nito. Inilagay ni Baekhyun ang kamay sa bibig para pigilin ang mga hikbi at para na rin pigilin ang mga emosyon ilang taon niyang inilagay sa kasulu-sulukan ng puso.



"Panganay ko." Humarap muli sa kanya si Chanyeol para ipakilala ang anak at pinipilit ding patahanin ang sarili dahil ayaw niyang makita siya ng anak na lumuluha.



“Si Yuan.” Mahina niyang sabi at malungkot na ngumiti dahil alam nilang pareho na isa si ‘Yuan’ sa mga pangarap nilang inanod na lamang sa kawalan.



"Yuan mag 'hi' ka kay..." Huminto si Chanyeol, naghahanap ng tamag salita kung ano ba ang dapat itawag ng anak sa lalaking nasa harap niya. "Tito Baekhyun."



“Hi po, Tito Baekhyun.” Nahihiyang bati ng bata na nagtatago sa likod ng mahahabang biyas ng kanyang Papa. 



Yumuko si Baekhyun para ipantay ang sarili kay Yuan. “Hi, Yuan.” binati niya ito nang may ngiti at luha sa mukha. Ganoon na lang namangha si Baekhyun nang pagmasdan niya ito ng malapitan dahil kamukhang kamukha niya ang Chanyeol na mayroon siya noon. 



Inalok niya ang kanyang kamay para makipag shake hands at kinuha naman iyon ni Yuan. "Tito Baekhun, ba’t ka po naiyak?" Tanong ni Yuan habang tuluyan ng bumitaw sa binti ng ama. 



Hindi pa nakakasagot si Baekhyun ay nagulat na lamang siya nang yakapin siya ni Yuan “Kapag naiyak po ako, niyayakap ako ni Papa.” Pagpapaliwanag nito habang nakasiksik sa kanyang leeg na parang matagal na silang magkakilala. 



Nang umurong na si Yuan ay tinignan niya muli ang Tito Baekhyun niya na may mga luha pa rin. Hindi makapagsalita si Baekhyun dahil parang ipinakita sa kanya ng mundo na ito ang kinabukasang pinangarap niya kasama si Chanyeol noon.



At kahit ilang beses niyang takasan ang mga tanong sa isipan ay bumabalik nanaman ito sa kanya. Kung hindi niya ba iniwan ang nobyo noon ay makakamit kaya nito ang tagumpay? O kung hindi niya ba iniwan ang nobyo noon ay wala na nga bang matitira pa para kay Chanyeol?



Pero siguro nga ay hindi niya na kailanman makukuha pa ang kasagutan.



Hinawakan ni Yuan ang magkabilang pisngi niya sabay pinunasan ang mga luha nito gamit ang hinlalakitulad ng ginagawa noon ni Chanyeol.



Inabot ni Baekhyun ang maliliit na kamay at hinawakan ito. Tumingala siya habang tinitignan si Chanyeol at sinagot ang tanong ng bata habang nakatingin pa rin sa mga mata ni Chanyeol. “Masaya lang ako, Yuan. Sobra.” 



Totoo naman. Masaya naman talaga ang puso niya. Matapos ang lahat, andito ngayon si Chanyeol may komportableng buhay at nakakatulong pa sa mga magulang at kapatid, at mayroon na ring sariling pamilya. At si Yuan? Si Yuan na minsan ay pinangarap niya rin ay lumaking mabuting bata.



Pero hindi ibig sabihin noon na hindi siya malungkot. Dahil pwede namang sabay niyang maramdaman ang kasiyahan at kalungkutan lalo na’t ito rin ang inaasam nilang magkasintahan noon. Natupad naman, pero ‘yon nga lang, hindi na siya kasama pa sa mga pangarap na ‘yon dahil may sari-sarili na silang buhay ngayon.



Bigla namang napalingon si Chanyeol nang may tumapik sa kanyang likod at tumakbo rin papalayo si Yuan mula sa pagkakahawak niya sa kamay nito para puntahan ang babae.



“Misis ko nga pala.” Pakilala ni Chanyeol at nginitian ni Baekhyun ang magandang babae na may umbok ang tiyan. “Si Baekhyun…” Pagpapatuloy ni Chanyeol at natigilan nanaman siya.



“Kaibigan ni Chanyeol nung college.” Si Baekhyun na mismo ang nagdugtong at inabot ang kamay para makipag shake hands. Nginitian naman siya ng asawa ni Chanyeol at hinawakan ang kamay nito.



“Ikaw pala ‘yon.” Sagot ng asawa ni Chanyeol. “Palagi ka niyang kunukwento sa’kin.” Dagdag nito habang hinimas-himas ang namimilog na tiyan. “Salamat Baekhyun, ha? Andiyan ka para sa kanya noong mga panahong walang-wala siya.”



Tinignan niya muli si Chanyeol na ngayon ay buhat sa isang braso si Yuan at ang isa namang kamay ay nakaakbay sa asawa habang hinihimas-himas ang braso nito.



“Una na kami, Baekhyun. Patutulugin pa ang makulit na bata.” Sambit muli ng asawa ni Chanyeol. Nauna silang mag-ina na tumalikod at naiwan si Chanyeol na nakaharap kay Baekhyun.



“Una na kami. Ingat sa byahe.” Paguulit ni Chanyeol at tinignan muli ang mga mata ni Baekhyun habang nakangiti nang malungkot.



“Salamat sa siyam na taon, Bal.” Biglang sambit ni Baekhyun dahil hindi man lang siya nakapagpasalamat noon at kung hindi pa ngayon ay kailan pa?  



Tumango si Chanyeol at tatalikod na sana pero nagsalita muli si Baekhyun. “Kung pwede lang, ‘wag na sana tayo ulit magkita…” Huminto siya saglit bago sabihin ang dating matatamis na salita para sa kanila. “Sa tag-araw man o sa tag-ulan.”





At dahil politikal ang magmahal, mahirap at mahal ang magmahal.




Notes:

Sa wakas at nakapag sulat na ulit at maraming maraming salamat Esremborak para sa napakagandang kanta!

Mabuhay ang OPM at patayin ang kapitalismo!

Hindi ko naman plano ilabas ito pero hindi pwedeng ako lang ang masaktan. Hindi ko nga sure if meron pa bang magbabasa ng mga gawa ko, pero sana meron kasi this means so much to me.

I wrote this for days kasi hindi ko kaya isulat na isang upuan lang kasi naiyak ako kasabay ng mga paghihirap nila Chanyeol at Baekhyun sa story na ‘to HAHHAHA

I was a teenager when I first started writing and angst naman talaga ang genre na sinusulat ko. Pero eto? This one will sit with me for a very long time kasi it feels so real. It happens in real life.

I hope you guys get to feel Baekhyun and Chanyeol’s struggles through my writing. This may be a fanfic pero sana ay naipahatid ko kung ano ang epekto ng pang aalipusta ng sistema ng Pilipinas sa mamamayan nito.

At paalala lang na lahat ay politikal—pati ang pagmamahal.
And fuck the gov*rnment!

Thank you, thank you! <33

 

All the love,
Alex.