Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationships:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Series:
Part 1 of Fireworks
Stats:
Published:
2024-11-29
Updated:
2026-05-10
Words:
18,681
Chapters:
9/?
Comments:
9
Kudos:
103
Bookmarks:
2
Hits:
5,011

My Beloved Pet

Summary:

Sheena never thought that she will be tag as a pet. This is adventure of Sheena on how can she be treated back as a human.

Notes:

Warning lang po, Fast pace stories, with mature theme.

Chapter 1: Becoming Pet

Chapter Text

Sheena's POV

I thought tonight will be a good night, last day ko na sa trabaho, nakaipon para sa tuition fee ko and may extra money pa ako na natira para makabili ng donut sa bunso kong kapatid. Everything was planned and should be perfect.

Hindi manlang sumagi sa isip na mangyayari ito sa akin, nakaluhod sa sahig, mga braso na nakatali sa likod ko. Pinapanood ang ama ko na nakaluhod at nagmamakaawa sa mga lalaking parang nakabihis pangmafia na akala ko lang ay makikita ko sa tv.

I can see my brother's eyes wide open and tear stained face, nervously looking at me. Tinangka kong ngumiti pero dahil sa sobrang nyerbos, ngibit lang ang nagawa ko at hindi manlang nakatulong para matanggal ang takot ng kapatid ko.

Naririnig ko ang tatay ko na nagmamakaawa na wag siyang saktan ng mga lalaking naka-itim. Sigurado akong siya ang may dahilan bakit ito nangyayari sa amin.

"Please! 'wag mo akong saktan babayaran ko rin yung utang ko." Pagmamakaawa ng tatay ko.

May isang lalaki ang lumapit sa tatay ko at sinubsob ang isang document sa mukha nito. Ini-explain niya ang lahat ng utang ng tatay ko. “Tanda, nakikita mo ba ito. Nakasulat dito na 5 days ago, nangako ka na babayaran mo ang iyong utang na 1 million pesos ngunit hindi mo ito nagawa, dahil hindi mo ito na nagawa ngayon kinakailangan mo nang magbayad ng 10 million pesos.

Hindi ko mapigilan mapasinghap ng marinig ko ang utang ng aking tatay.

"What?" Sigaw ng tatay ko "Limang araw lang naman akong late, bakit 10 million agad?
"
“Bakit?” Sabi ng lalaki, “una sa lahat late ka sa pagbabayad at pangalawa kala mo ba maloloko mo kami dahil ang land deed na binigay mo sa amin ay peke kaya uminit ang ulo ng boss namin kaya naging 10 million ang babayaran mo. Sa tingin namin itong bahay ninyo kasama na lahat ng gamit baka estimated na 5 million ito.”

Kahit pa bigay nila ang kanilang ari-arian hindi nila kayang bayaran ang natitirang limang million. Napatingin ako sa aking tatay, hindi ko mapigilan magalit sa kanya, simula't sapul laging pahamak ang dinadala n'ya sa aming pamilya.

Napalingon si tatay sa akin at parang biglang nabuhayan ito, "Sheena, anak, tulungan mo ako, 'di ba may tinatago kang pera?"

Lalong tumalim ang tingin ko sa aking tatay, "Tay, may sira ka ba sa ulo! Kahit bigay ko lahat ng pera ko sa kanila halos di rin mababawasan ang LIMANG MILYONG! utang N'YO!", diin na sabi ko.

“Bago ka pa dumating dito nakausap ko na ang tatay mo and he offer me a good deal.” Narinig ko ang isang pamilyar na tinig. Napatulala ako sa babaeng lumutang bigla sa paningin ko, pamilyar ang boses niya pero sigurado akong hindi ko pa siya nakikita. Inosete itong nakangiti sa akin na parang walang kaguluhan nangyayari sa kapaligiran niya. She looked out of place, para siyang isang modelo na naghihintay na rumampa sa entablado. Tinititigan lang ako ang babae, habang kinakain nito ang donut na pasalubong ko sana sa kapatid ko.

“Gusto mo bang malaman kung ano ang offer ng tatay mo sa akin?” Tanong ng magandang babae.

"Yes." Sagot ko at nakatulala pa rin sa babaeng nasa harapan ko.

"Well, at first I suggested that we can harvest his organs, but even if we harvest all of it, it will not be enough to cover his debt, though I will have fun torturing him. The enjoyment of tormenting him will be enough payment for me." Sabi ng babae na parang normal lang ang lumalabas sa bibig niya. “Pero may mas magandang offer ang tatay mo sa akin.” Tuloy ng babae at tinuro ako. “Ikaw.”

"What?" Di ko mapigilang mapasigaw, lumingon ako sa aking tatay na nakatungo at hindi makatingin sa akin. Nanlumo ako at napasalampak sa sahig. Hindi ako makapaniwala na tinangkan akong pambayad ng aking ama.

"Hindi pwede!", Narinig kong sigaw ng aking ina. “Wag ang anak ko, baka meron pang ibang paraan ?" Tanong ng nanay ko umaasa na may iba pang solusyon.

"Nope." Nakakalokang sagot ng babae. "Either I torture him for fun until he die and harvest his organs or you, sobra sobra pa ang bayad niya kung ikaw ang ibibigay.."

“Anak, maging mabuti kang anak at makinig ka sa akin.” Desperadong sabi ng tatay ko.

“Matalim kong tiningnan ang aking ama, “utang mo ang sinisingil nila dapat ikaw ang magbayad.” Nanggagalaiti kong sambit.

“Aba’t” Sigaw ng aking ama at tinaas ang mga braso niya, ngunit napigilan siya ng tauhan ng babae bago pa ako masampal nito.

"Well." Sabi ng babae kaya nalipat ang atensyon ko dito at napansin ang masamang titig niya sa tatay ko. "I agree with your father's payment."

"No! Please! Maawa ka, wala akong kasalanan, kunin mo nalang tatay ko, siya naman ang puno’t dulo nito. Benta mo mga laman loob niya o pahirapan mo siya wala akong pakialam, wala akong kasalanan." Pagmamakaawa ko.

“But I want you.” Inosenteng sambit ng babae. “ You seem more fun than you father.”

Napatitig ako sa babaeng nasa harapan ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, lumalabo na rin ang mukha ng babae sa harap ko at nahihirapan akong huminga.

Nakaramdam ako ng mainit na braso na bumalot sa akin, Tiningnan ko kung saan galing ang init at nakita ko ang sobrang lapit ng mukha ng babae sa akin kaya kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mata nito. Biglang naglabas ng kutsilyo ang babae kaya napapikit ako at inintay na lang ang sakit, pero hindi ito dumating.

"You! Get that chair." Narinig kong sambit ng babae at naramdaman ko ang pagkalas nito ng aking gapos. Tinulungan ako ng babae sa upuan at lumuhod ito sa harap ko. “ Hinga ka lang, inhale.” Huminga ng malalim ang babae at sinundan ko ito. “ Exhale.Good. Just follow me.” Sabi niya at inuulit ang paghinga ng malalim at pagbuga hanggang sa kumalma ako. Tiningnan ko nang masama ang babae. “Hindi dapat ako ang magbayad ng utang ng tatay ko.”

"Ok." Biglang pagsang ayon ng babae.

Napatitig ulit ako sa babae dahil hindi ko masundan ang trip ng babaeng ito.

“Hmmm.” Nilibot ng babae ang paningin niya at tinapik tapik pa ang baba niya. "So I will just harvest your father..." Tiningnan niya ako sa mata, hinawakan pa ang baba ko na parang sinisigiradong focus ako sa kanya.

"My gosh." Nasambit ko sa isip ko, dahil hindi ko mapigilan ang pagkalabog ng dibdib ko, malala na nga ang situation ko pero na-aattract pa ako sa babaeng nasa harapan ko. “Yes, ang may kasalanan ang tatay ko. Ako, ang kapatid ko at nanay ko ay hindi dapat madamay sa kalokohan niya.” Tangka kong pagkukumbinsi sa kaniya.

"Yes, you're right." Sabi ng babae, hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya. "However I will also take your mother and brother’s, too. Because it's my friend that asked me to take his debt. So I really can't negotiate with you." Sabi niya at biglang naging seryoso ang itsura niya.

“No!” Sabay pa kaming napasigaw ng tatay ko at narinig ko na lalong lumakas ang hagulgol ng nanay at kapatid ko.

Masama kong tinitigan ang tatay ko, Tumayo ako at lumapit dito, kinamumuhian ko ng sobra sobra ito. Siya dapat ang unang promoprotekta sa amin, pero kahit isa wala siyang ginawa para sa kanyang pamilya. Kahit papaano ang nanay ko ang halos nag aruga sa aming magkapatid. Maraming beses na rin kaming naglipat lipat ng mga lugar dahil sa lalaking ito. Kung legal ang pumatay ng tao matagal ko na itong nagawa, ganyang ko talaga siya kinamumuhian. Kung hindi lang sa kapatid ko matagal na akong nakaalis sa pamilyang ito. Matagal ng nawala ang pagmamahal ko sa tatay ko.

Iniangat ko ang kamao ko at nilapat sa mukha ng tatay ko buti na lang walang pumigil sa akin.

"Ummff." Napahiga sa sahig ang tatay ko.

Tiningnan ko siya, I was breathing hard dahil sa galit. Sinimulan kong pagsisipain ito, hindi ko tinigilan, umaasa na mawala ang galit ko.

"Sheena, please tumigil ka, baka mamatay tatay mo." Pagmamakaawa ng nanay ko.

“Paano mo nasisikmura ang hayop na yan? siya ang puno’t dulo ng kamalasan natin. Bakit hindi mo siya maiwan kahit nakikita mo na ang ginagawa niya sa amin ng kapatid ko? Galit ako sayo dahil hindi mo kami maprotektahan sa kanya, galit ako sayo dahil mahal mo pa ang hayop na iyan.” Hindi ko mapigilan ilabas ang matagal ko ng kinikimkim. Mahal ko ang nanay ko pero galit din ako sa kanya.

Bumalik na lang ako sa kinauupuan ko at napasalampak na lang dito. Parang may humigop ng lakas ko dahil sa nangyayari. Tumingin ako sa kapatid ko, paano ko masisikmura isakripisyo ang inosente kong kapatid. Marami pa siyang pwede magawa paglaki niya.

Tumingin ako sa magandang babae na nakatayo sa gilid ko at halatang nage-enjoy sa nangyayari. Pinapanood niya ako na kala mo ako ang pinaka interesadong tao sa mundo. Nilahad niya ang kamay niya at kusang gumalaw ang kamay ko para abutin ito. Ng maramdaman ko ang init ng palad niya ay kumalma ang pakiramdam ko

Tinungo ko ang tatay ko. “Swerte ka nayon at mahal ko ang nanay at kapatid ko.”

Lumingon ako sa babae, “Please, nagmamakaawa ako na wag mong saktan ang nanay at kapatid ko. Sasama ako sa iyo.”

Kitang kita ko ang paliwanag ng mukha ng babae. "That's the best news I ever heard pero sabi ko kanina na sobra sobra pa kung ikaw ang pambayad. So for that I will accept some requests from you."

“Please, alagaan mo ang nanay at kapatid ko.” Hinapit ko ang mga kamay niya. “Bigyan mo sila ng magandang buhay.”

"Ok, any other request?." She asked again like she was waiting for something.

“At sigaruduhin mo na hindi makakalapit ang tatay ko sa kanila, maganda pa nga kung wala na siyang mauutong ibang tao para makabuo ng ibang pamily at…”

"And make sure my father cant get near to them, it would be better that he cant create another family and..."

"At?" Hinila ko siya para mapalapit sa akin at tinungo niya ang kanyang ulo, "pahirapan mo siya." Bulong ko.

"That's more like it." Umayos siya ng pagkakatayo at hinaplos ang aking ulo.

Pinanood ko siya habang inuutusan ang kanyang tauhan. Pinanood ko din ang pagkarga nila sa tatay ko at umaasang maramdam niya ang pahirap na ginawa niya sa amin.

"Want to say goodbye to your family in?" Tanong ng babae at hinahaplos ulit ang ulo ko.

"Yes." Lumapit ako sa nanay at kapatid ko. “Nanay, siguro ito na ang huling pagkikita natin, nakikiusap lang ako na sana alagan mo ng mabuti si bunso. Ito lang ang last wish ko sa iyo. At least ipakita kung paano mahalin ng isang magulang ng wala takot, at wag mo nang ulitin ang mga pagkakamali mo sa akin.” Pagmamakaawa ko sa kanya. Humagulgol lang ang nanay ko at niyakap ako. “Promise na aalagaan ko si bunso. Please patawarin mo ako sa pagkukulang ko.” “Patatawarin lang kita if aalagaan mo siya nang maigi.” Lumuhod ako para yakapin ang kapatid ko. “Wag mong kakalimutan si Ate, ha. Promise mo sa akin na magiging masaya ka.” At pinahid ang mga luha namin. Tumayo na ako at tiningnan sila ng mabuti. Nilahad ng babae ang palad niya at sa muli inabot ko ito. Hinila niya ako sa sasakyan niya at binuksan niya ang pintuan nito. Hinila niya ako paloob. Nang makaupo na ako sa loob naramdaman ko ang pagbigat ng pakiramdam ko. Sobrang nanlulula ako sa mga nangyari kanina.

"Tired? Just sleep." I heard the woman gently say to me.

I looked at the woman beside me, how could this woman be cruel and gentle at the same time. I studied her face, memorizing every edge of it as I started to fall asleep.

—---------

Napapitlag ako ng gising at tumingin sa kapaligiran ko at hindi ko alam kung nasan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot. Tinangka kong tumayo pero may isang mabigat na bagay ang humahadlang sa akin. Tumungo ako at nakita ko ang babae kagabi na nakahiga sa akin. Napansin ko din na iba na rin ang suot ko.

Naramdaman ko ang paggalaw ng babae at hindi ko mapigilan pagmasdan ang paunti unting pagbukas ng mga mata niya. How can someone wake up and just be this very gorgeous.

"Good morning." Sabi ng babae.

"M-morning." Tinaka kong umupo, di ko alam kung saan titingin at hindi ako mapakali. Umupo na lang ako at hinihintay ang sasabihin ng babae.

"I'm hungry." Biglang sambit ng babae.

"What?"

"I'm hungry, can you cook?"

"Yes."

"Good." Tumayo ang babae at nilahad ang kamay niya, nang kunin ko ito hinila niya ako patayo at dumiretso kami sa banyo. Pagkatapos naming magmumumog at hilamos hinila niya ako ulit, tinangka ko pang alisin ang kamay ko pero lalong hinigpitan nito ang pagkaka hawak niya at pinagdaop pa ang aming mga palad. Tinangal naman niya agad ang pagkakahawak niya ng makarating kami sa kusina niya. “Ma-May gusto ka bang kainin?”

"Surprise me." At umupo sa malapit na upuan at nangalungbaba. Hinalungkat ko ang ref niya at kinuha ang mga itlog at bacons.

"Bacon and egg na lang tapos timpla na lang ako kape. Anong gusto mong luto sa itlog."

"Sunny sideup."

Nang matapos na ako sa pagluluto tinapik ng babae ang katabi niyang upuan at umupo ako doon.

Nagfocus lang ako sa pagkain, hindi ko mapigilang sulyapin ang katabi ko at mabuti naman na nag e-enjoy ito sa niluto ko. Hindi ko manlang alam kung anong pangalan niya.

"Uhmm, Miss, Ano po plano mo sa akin" I bravely asked the woman. "Ipu-puta mo ba ako, auction, bebenta ang mga laman loob ko o katulad ng tatay ko, totorturin mo rin?" Sunod-sunod kong tanong at nilalaro ang aking mga daliri dahil sa nerbyos. Kahit ano pang tangi ko, ang babae sa harap ko ang may hawak ng kapalaran ko. Tumawa lang ang babae sa harap ko, hindi ko tuloy mapigilang mayamot. Takot na nga ang tao tatawanan pa nito.

"First of all you can call me Gwen, and second I don't do human trafficking its my friends that do that and I will not torture you." Pigil tawang sagot ni Gwen. Dahil sa narinig ko parang nabunutan ako ng tinik. “So kung hindi yun ang gagawin mo, anong balak mo sa akin.”

She smiled and said "From very long time I want to have a pet."

"Oookkkkaaayyy? Do you want me to help you find a pet? What pet do you have in mind?"

"I want a rabbit. "

"Tha-that's perfect, Kayang kaya kitang tulungan makahanap ng rabbit."

"I hate rabbits, they are weak and die easily." Sabi ng babae na may galit.

Hearing what she said left me speechless. How can I find a rabbit kung galit siya dito.

"You don't have to worry, I already found a perfect pet." Biglang nagbago ang mood nito at masayang tumingin sa akin.

Nagtataka akong tumingin kay Gwen.

Binaba niya ang mga hawak niya kubyertos at tumayo. "Continue eating, I will just get something." Sabi niya, saglit lang siyang nawala at may bitbit na itong mga damit pagbalik.

Tinitigan ko ang damit na binigay niya. Mukhang pang maid yung damit, yung nakikita mo sa anime na maid cafe, ganon yung style.

"Here." Abot ng damit sa akin. "Try it once you're done eating, so we can check if it fits you." Umupo na siya ulit at tinuloy ang pagkain. Nang tapos na kaming kumain, tumayo ako at tumungo sa banyo. Tinitigan ko ang damit na binigay sa akin ni Gwen.

"Uuhhmmm, Miss Gwen, sigurado po ba kayo na ito po yung damit ko, I think there was a mistake." Sabi ko paglabas ko ng banyo.

Tinitigan lang ako ni Gwen at hinagod niya pataas, pababa ang kanyang mga mata sa akin. Nailang tuloy ko dahil sa pagkakatitig niya. "Nope there is no mistake and it looked perfect to you."

Suot suot ko na ang gray maid outfit na inabot niya sa akin kanina. Hanggang taas lang ng dibdib ko ito at kitang kita ang cleavage ko maiksi din ang palda nito kaya lumalabas ang mahahaba kong legs at lalo na sa lahat nakasuot ako ng headband na may malaking rabbit ears na kulay gray din.

"From now on you are going to be my pet." Proud na sabi ni Gwen. "See, you're more than enough payment than your father. I get to enjoy a pet that I longed for."

"What?" Nawe-werduhan akong napatitig kay Gwen. If you think about it hindi mo talaga maiisip na weirdo ang taong ito lalong lalo na sa modelong itsura nito, pero sino ba ang may normal na katinuan kung ang favorite hobby mo ay pagto-torture ng tao.

"Come here and don't call me Miss Gwen, just Gwen is fine." Sabi ni Gwen habang tinatapik ang hita niya.

"Okay, Just Gwen." Sabi ko at lumapit sa kaniya.
"Haha, you're really perfect." Masayang sabi niya, para siyang bata na kala mo nakakuha ng paborito niyang laruan.

"Come here." Masayang utos niya at tinapik ulit ang hita niya, nalilito tuloy ako kung gusto niyang paupuin sa hita niya.

"What are you waiting for, just sit down." Tapik ulit sa hita niya.

I just followed my instinct at umupo sa hita niya.
"Wow, I never thought that you're so bold." Tukso ni Gwen.

"Hindi kaya, ikaw kaya nagge-gesture na umupo sa hita mo." Reklamo ko.

Tumawa siya, ”Just kidding." Sabi niya at niyakap ako. "Hmm, you're so comfortable." Bumuntong hininga siya at kinukuskos ang mukha niya sa batok ko. Nagsimula ring maglakbay ang mga kamay niya, simula sa legs ko, sa bewang at tumigil sa pisngi ko. Kinurot kurot niya ang pisngi ko, after a few seconds biglang sambit niya. "My gosh, your cheeks feel so fluffy, I can't get enough of it." Sinimulan niyang pigain ang pisngi ko gamit ang dalawang palad niya. Then naramdaman ko ang mga labi niya sa balikat ko

”Aray!” napasigaw ako sa sakit dahil bigla niya akong kinagat. Tinitigan ko siya ng masama at nakikita ako ang guilt sa mga mata niya at namumula rin ang pisngi niya. “I’m sorry kung nanggigigil ako, sobrang cute mo kasi.”

"Oh, my gosh. Sobrang cute ng babaeng ito, malayong malayo sa babae na nameet ko kagabi" Sabi ko sa isip at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napaka- unpredictable ng babaeng sana hindi niya guluhin ang sarili ko.