Chapter Text
“Punyeta! Rusca! Saan ka ba nagtago? Pagabi na a.”
“Heneral, sa tingin ko hindi ko talaga kayang gampanan ang iyong inuutos…”
“Kaya mo iyan Rusca. Tutulungan ka naman namin.” Wika ni Paco habang nilalatag ang kanyang dala sa harapan ni Rusca.
May maririnig na mga paang tumatakbo papunta sa kubo.
“Buti naandito ka na. Kanina ka pa namin hinahanap Rusca.” Tila hinahabol pa ng nakababatang Bernal ang kanyang hininga.
Lumapit si Manuel kay Paco at pangiting nagtanong.
“Ito na ba ang mga kagamitan na kailangan nya para sa kanyang delikadong misyon?” Halatang na aaliw ang magkapatid sa nangyayari kay Rusca.
“Mukhang bagay sa iyo ang kulay nito” Inilapat ni Manuel ang pula na saya na hawak nya kay Rusca.
“Ayos! mukhang tama ang sukat nito para sa iyo. Ang galing mo Paco, nakuha mo kung ano ang damit na babagay para sa ating munting dalaga.”
Hindi alam ni Rusca ang kanyang gagawin. Ayaw niya sa ideya na magbibihis babae sya para lamang makalikom ng impormasyon sa bayan. Ngunit mas nangingibabaw ang takot nya kay Luna.
Walang nagawa si Rusca at tahimik niyang tinanggap ang kanyang misyon.
~~~~~~~~
Nang maisuot ni Rusca ang baro’t saya ay nakaramdam sya ng pag aalinlangan.
“Hindi talaga bagay sa akin ito. Masikip ng kaunti ang saya”
“Tama lang ang sukat nyan.” Pa depensang sinabi ito ni Paco.
Tiningnan ni Jose si Rusca mula ulo hanggang paa.
“Parang may kulang, tama na ang hubog ng katawan ni Rusca ngunit halata pa rin na nagpapanggap sya.“
“May nakakaligtaan kasi tayo.” Naglabas ng asul na tela si Paco.
“Gamitin natin ito at aayusin lang natin ang iyong buhok.” Sabay suklay sa buhok ni Rusca.
“Saan mo naman nakuha ang mga gamit na iyan Paco?” Napatawa lamang si Paco at iniayos na lang ang tela sa buhok ni Rusca. Nanahimik sila ng matapos ni Paco ang pag aayos.
~~~~~~~~
“Ano!!! Magsalita kayo, sabi ko sa inyo na hindi ako ang dapat gumawa ng misyon na ito.”
Malaki ang naitulong ng tela sa pag iibang anyo ni Rusca.
Inikutan ng dalawang Bernal si Rusca.
Tinaas ni Manuel ng kaunti ang saya ni Rusca. “Bagay sa iyo ang damit mo.”
Pinipigilan ni Rusca ang kanyang sarili. “Punyeta! Wag nyo nga ako paglaruan.” sabay sipa kay Manuel.
Napa iling si Paco at sinabing “Hindi ganyan ang tamang kilos ng isang dalaga.“
“Kagatin mo nga ang labi mo para pumula” Patawang bigkas ni Manuel. Lumapit sya at pinisil ang mukha ni Rusca.
“Dapat mamula mula rin ang iyong pisngi para magmukha kang dalagang may iniirog"
“Putang ina! naman Manuel, masakit.” Inialis ni Rusca ang mga kamay ni Manuel.
“Haha! ” Malalim ang pagtawa ng Heneral.
“Heneral! Hindi ko talaga kaya…”
“Rusca! Sinasabi mo ba na tatalikuran mo ang ating Inang Bayan” Nanlilisik ang mata ng Heneral nang tumingin sya kay Rusca.
“Patawad po Heneral. Susundin ko na po ang utos niyo, para sa ating Inang Bayan.”
“Mabuti naman Kapitan, sumasaludo ako sa iyong katapangan.”
Napansin ni Joven na tumalikod ang Heneral at mukhang pinipigilan nya ang kanyang pagtawa.
Iniayos ni Rusca ang kanyang sarili. Napapagod na sya at nagdasal na lamang na sana matapos na ang araw na ito.
~~~~~~~~
“Magandang Gabi! Heneral Luna.” Napalingon silang lahat sa pinanggagalingan ng boses. Nakatindig ang isang binatilyo na may hawak na liham sa may pintuan.
Napatalikod si Rusca ng mabilis.
"Putang ina! Ano ang ginagawa nya rito.“ Pabulong na sinabi niya kay Paco.
"Heneral Del Pilar. Maaari po bang malaman namin kung ano ang pakay nyo at napadalaw kayo sa aming kampo?” Malumanay na pagtanong ni Paco.
“Magandang Gabi! Heneral, may pinapa abot na liham ang ating Presidente” Lumapit si Goyong para ibigay ang liham kay Luna.
“Salamat.”
“Walang anuman…” Napalingon si Goyong sa katabi ng Heneral. Hindi nya napigilang pagmasdan ang dalagang kanyang nakikita.
Napansin sya ng magkapatid na Bernal.
“Oo nga pala, sya ang aming pinsan na si… Rus…”
“Rosario!”
“Napadaan din lang sya ngayong araw na ito upang kami ay bisitahin.”
Hinawakan ni Goyong ang kamay ni Rusca.
“Magandang Gabi! Binibining Rosario.”
“Paumanhin sa aking kawalang-galang ngunit hindi ko alam na may pinsan pala sila Bernal na katulad mo."
Naramdaman ni Rusca na tila humihigpit ang hawak ni Goyong sa kanyang kamay.
"Nagkita na ba tayo noon sa isang pagtitipon? Wari ko ay hindi ako makakalimot sa isang magandang dilag na katulad mo?”
Hindi makatingin si Rusca kay Goyong. Tila ay lalong namumula ang kanyang pisngi.
"Heneral, mahiyain yang pinsan namin kaya bihira lang syang lumabas at magpakilala sa mga tao. Kaya kung maaari ay pag pasensyahan mo na ang kanyang di pagsasalita.”
“Marahil ay pagod ka na sa iyong paglalakbay, Heneral, magpahinga ka muna.” Wika ni Luna.
“Nararapat nga na ako ay magpapahinga panandalian. Maraming salamat Heneral, mga Ginoo.”
Tiningnan muli ni Goyong ang dalaga.
“Aayusin ko lang ang aking gamit at babalik muli ako, nais ko na makilala ka ng maigi. Rosario.”
“Wag ka mag alala Goyong. Pinapayagan kong magkita at magusap kayo mamaya.” Nakangisi nang sinabi ito ni Manuel.
Napabuntong hininga si Rusca nang sa wakas ay binitawan ni Goyong ang kanyang kamay.
Hindi nya namalayang pinigil pala nya ang kanyang paghinga.
Pag baba ni Goyong sa hagdan ay napabalik sya at nagtanong.
“Napansin ko na mukhang may kulang sa inyo. Nasaan na ba si Kapitan Rusca?”
Napatigil ang lahat at napatingin sa isa’t isa.
“Ginoong Del Pilar maaring nasa malapit lang si Rusca at nagpapahinga."
"Tama si Joven, kilala mo naman si Rusca. Maaaring nakatulog lang sya sa malapit.” Sumangayon si Luna.
“Haha… malay mo nasa tabi tabi lang sya.” Pabirong sinambit ni Jose.
Napangiti si Goyong at tinuloy ang kanyang paglalakad.
Isinara ni Jose ang pintuan.
“Maaari namang iba ang magdala ng mensahe. Bakit si Goyong pa ang pinadala.” Painis na sinambit ni Rusca.
Inihampas ng Heneral ang kanyang kamao sa pader.
“Lintik! Alam naman natin na ang tunay na pakay nya ay para magmasid sa bawat kilos natin."
Inakbayan ni Jose si Rusca. "Mukhang magandang pagkakataon ito para makapag ensayo ka Rosario."
* Upcoming timeline: What if Rusca stood his ground and evaded dressing up as a girl. Sino ang mag dadamit ng baro’t saya na inihanda ni Paco?
