Chapter Text
No. 905: We love working out with you.
"Sige pa Vice, push pa!"
"Anong i-pupush ko eh nasa floor na ako baby?!" sabi ni Vice na tina-try i-angat ang sarili from the floor after doing 19 straight push ups.
"Kaya mo yan! 1 more na lang, go!"
"Kung hindi lang talaga kita love!" sabi nya at sabay tulak pataas sa sarili.
"Aww! I'm so proud!" sabi ni K at sabay yakap kay Vice na nag collapse na sa floor.
"Baby, may muscles na kaya ako.. Look o!" nag pull away sya ng slight kay K at sabay flex ng right arm.
"Infairness baby ha."
"Di lang yan!" tinaas nya ang kanyang t-shirt at nilagay ang kamay ni K sa may tiyan nya, "Feel mo yang pandesal na yan? Yan ang simula!" tumawa ito at idiniin ang kamay ni K sa tiyan nya.
Imbis na matuwa si K ay hinampas nya ang tiyan ni Vice, "Abs ba yan baby? Parang hindi naman. Bloated ka lang ata... Work out pa."
"HA?! Ang tagal na natin dito..."
"20 minutes palang tayo dito... Ikaw bahala.. Pwede naman akong humanap ng yoga partner na iba dyan.." tumayo si K at nag look around sa paligid.
Tumayo din si Vice tumingin around sa paligid, nainis sya bigla sa dami ng mga machong lalaki na naka paligid.
"What about that guy? Mukhang mag-isa sya..." K teased sabay turo sa isang mukhang Fil-Am na lalaking sobrang gwapo at fit.
"Subukan mo." hatak sa braso ni K, "Sige, subukan mo!"
"Yoga partner parin kita?"
"Oo na!"
"Di ka pagod?" nag pout ito at sabay punas sa noo ni Vice.
"Hindi noh. Pfft, ang saya kaya sa gym, ang sexy ng mgagirls. Hooooooo!"
Batok ang inabot ni Vice kay Karylle at sabay tawa nito, "Kurba naman, halos matanggal na ulo ko dun ah"
"Ewan ko sa'yo ha! San-san ka na naman nakatingin!"
"Sa'yo lang naman ako nakatingin Kurba. Selosa ka masyado... Alam mo namang sa'yo lang ako napapa nganga ng ganito"
♥
No. 269: We think you look sexiest when you don't realize we're watching you.
Halos isang oras ng pinapanood ni Karylle si Vice sa may desk nito. Nag-iisip kasi ito ng mga jokes at paadar nya para sa upcoming concert nya sa Araneta. Ayaw naman nya itong istorbohin kaya humiga na lang sya sa kama nito at pinanood.
"Baby, okay ka lang dyan? Baka bored ka na ha.." Vice said na kagat ang pen at mukhang malalim ang iniisip.
Napangiti si Karylle at tumango, "Yes mahal.. Ituloy mo lang yan."
Madalas na napansin ni Karylle ang pag kunot ng noo ni Vice at kasabay nito ang pagkagat ng ballpen. Sa tuwing may naiisip itong bright idea ay bigla na lang itong ngingiti na parang ewan at minsan naman ay tatawang mag-isa. Naisip ni Karylle na pag tripan ito kaya naman kinuha nya ang phone nya at nag take ng pictures without Vice knowing. Dahil stolen ang mga kuha ni Karylle, may ibang pose at facial expressions si Vice sa mga pictures na sobrang nakakatawa.
"Ang pogi pa rin kahit ganito." K said to herself habang nakatingin sa pictures na kinunan nya. Napalingon naman si Vice bigla dahil akala nya sya kausap ni K.
"Ano yun K? Sorry, di ko narinig eh.
"Ay hindi mahal, sorry..."
"Ano ba ginagawa mo dyan? Baka may ka-text ka ng iba dyan ha! Hoy ha! Sino yan?"
K just smiled at him, "Wala! Eto talaga! Ituloy mo na yan mahal."
Tiningnan sya ni Vice ng suspiciously bago ito bumalik sa ginagawa. Si K naman ay gumawa ng collage ng mga kinuha nyang pictures at pinost sa instagram:
anakarylle: Ang sexy ng mahal ko hahahaha @praybeytbenjamin #SexyAndHeKnowsIt instagram.com/hgyT6dgjHdj
2 minutes later ay nag buzz ang phone ni Vice na nasa harap nya, kinuha nya ito at nag glance lang dahil nga ayaw nya masyado ma-istorbo.
K looked up and waited for his reaction, napapatawa na ito.
"KURBA NAMAN EH!" natawa si Vice at biglang tumalon sa kama para daganan si Karylle.
"Halikan kita dyan eh!"
Tinakpan agad ni Karylle ang bibig ni Vice at binigyan ng warning with her eyes, "Mag trabaho ka mahal, wala ka ng time."
"I need inspiration."
"Kaya nga ako nandito diba?"
"So assumera ka na ngayon Karylle?"
"Ouch." nag pout ito.
"Joke lang. Eto naman." sabi ni Vice at biglang nagnakaw ng halik kay Karylle. Tumayo na ito at bumalik sa kinauupuan.
"VICE NAMAN EH!" sabi ni K na naiinis pero kinikilig.
"Halakahalaka! Di mo bet? Antawag dyan sa blush on Karylle?"
♥
No. 106: We like the way you pretend to ignore us sometimes. It's kinda cute. Sometimes
“VIIIIIICEEEE!” Karylle screamed.
Nasa salas si Vice nung narinig ang sigaw ni Karylle. Natawa na lang sya at tinuloy ang panonood ng TV.
“Vice!!! Halika dito ngayond din!” Nothing, napangisi lang ulit si Vice
“I swear to God Viceral, if you don’t get your ass in here I’m leaving you.”
Vice laughed harder. But his laughter died down he heard the smoke alarm go off. He jumped out of the sofa and biglang takbo sa kwarto kung nasaan si K.
“K!!!” Vice yelled. There was a cloud of smoke and he could make out a figure.
“Oh my God, baby, are you okay?” He heard her cough as the flames went out and he rushed to open the windows.
“Now you come! Where were you 5 minutes ago?”
“Akala ko pinag t-tripan mo lang ako eh. Baby, I'm sorry. Is everything okay? Anyare?”
“It doesn't matter. I'm fine, I'm fine...."
"Are you sure?" hinawakan sya ni Vice sa magkabilang braso to make sure.
"Ay, wait..." sabay kamot sa ulot nya, "Since I had no idea how to use a fire extinguisher I had to put the fire out using kung ano man ang nasa bag na yun o.” K pointed at the corner of the room.
“WHAT?!”
"Bakit?"
"Yung... Yung bagong Jeremy Scott jumper ko yun eh..."
"Yung pinabili mo pa kay Nanay Rosario sa States?"
Tumango si Vice na hindi pa rin makapaniwala.
“That’s what that was. Well, it came in handy.” She shrugged before walking out of their bedroom, leaving a ghost faced Vice there with his… burnt Jeremy Scott.
"Pero... pero..." sabi ni Vice na nanghihinayang sa nasunog nyang damit. Bumalik naman agad si Karylle sa room at tinawanan sya.
"Vice! I'm only kidding! Your jumper's in the closet na."
Nagulat si Vice at nag pout kay K, "Kurba ang sama sama mo!"
"Ikaw na tong hindi ako tinulungan eh, paano kung nasunog ako dun?"
"Girl on fire ka kamo diba?" natawa si Vice sa sarili nyang hirit.
"It's cute how you find your own jokes funny." it was K's turn to laugh.
